VP SARA INIMBITA SA CAMP CRAME

WELCOME bumisita si Vice President Sara Duterte sa Camp Crame para makita ang mga modernong kagamitan ng pambansang pulisya.

Inihayag ito kahapon ni PNP Chief PGen Nicolas Torre III.

Layunin ng hepe ng Pambansang Pulisya na ipakita kay Duterte, ang kanilang paggamit ng modern technology sa police operations.

Matatandaan na binatikos ni Duterte ang pinaigting na police visibility ng PNP na anya ay “outdated” na ang pulis sa kanto strategy.

Iginiit naman ni Torre na mayroon silang mga makabagong drone, CCTV, body cameras at iba pang mga kagamitan.

Marami rin umano silang mga radyo na ginagamit sa komunikasyon at para sa mas mabilis na pagresponde sa mga emergency at iba pang operasyon.

(TOTO NABAJA)

81

Related posts

Leave a Comment