ESTUDYANTE NALUNOD SA OUTING SA QUEZON

QUEZON – Trahedya ang naging wakas ng isang outing matapos malunod ang isang 19-anyos na estudyante sa ilog sakop ng Pulong Pasig, Barangay Santo Anghel, sa bayan ng Calauag sa lalawigan noong Nobyembre 1. Kinilala ng mga awtoridad ang biktima sa pangalang “Carlo”, residente ng Village Homes Queens Row West, Bacoor City. Ayon sa imbestigasyon ng Calauag Municipal Police Station, bandang alas-9:30 ng umaga nang mangyari ang insidente habang naliligo sa ilog ang biktima kasama ang ilang kaibigan. Isa sa mga kasamahan nito ang nakapansin na tila nahihirapan nang lumangoy…

Read More

Halos 1.5M dumagsa sa MNC UNDAS 2025 GENERALLY PEACEFUL

UMABOT sa halos kalahating milyong katao ang dumagsa sa Manila North Cemetery noong Nobyembre 1-2 sa pagdiriwang ng Undas 2025. Bagama’t umulan noong Sabado, marami pa rin ang nagtungo sa sementeryo upang makapagtirik ng kandila at mag-alay ng bulaklak at dasal sa puntod ng kani-kanilang mahal sa buhay. May mangilan-ngilan namang iniulat na nahilo, nawalan ng malay dahil sa pagod, init at pagkagutom at hindi bababa sa tatlo ang kinailangang isugod sa ospital. May mga iniulat ding mga bata na nawalay sa kani-kanilang magulang at guardian pero kalaunan ay natagpuan…

Read More

MAG-UTOL NA BATA, PATAY SA SUNOG

LUCENA CITY – Nasawi ang magkapatid na bata matapos lamunin ng apoy ang kanilang tahanan sa Purok 5, Barangay Dalahican sa lungsod noong Sabado, Nobyembre 1. Batay sa ulat ng Lucena City Police Station, nagsimula ang sunog dakong alas-10:00 ng gabi sa bahay ng pamilya. Agad namang nagresponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at mga residente upang apulahin ang apoy. Ayon sa imbestigasyon, gumagamit umano ang pamilya ng improvised lamp bilang ilaw sa bahay na iniwang nakasindi habang natutulog sa loob ang dalawang bata. Isa sa…

Read More

Para sa Trillion Peso March sa Nob. 30 SOCIAL MEDIA BINABANTAYAN NG PNP

TODO ang ginagawang online intelligence monitoring ng Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng paghahanda sa seguridad para sa November 30 “Trillion Peso March” sa Luneta, isang malawakang kilos-protesta laban sa multi-billion flood control scandal. Ayon sa PNP National Capital Region Police Office (NCRPO), kanila nang pinaigting ang social media surveillance dahil dito raw aktibong hinihikayat ang mga kabataan na lumahok sa naturang kilos-protesta. Mismong Malacañang ang nagpaalala sa mga awtoridad na bantayan ang mga agitator upang maiwasan ang karahasang tulad ng naganap noong September 21 rally sa Maynila. Tiniyak…

Read More

BABAE NATAGPUANG PATAY, NAKAGAPOS SA HOTEL SA MAYNILA

PATAY na nang matagpuan ang isang babae na nakagapos sa loob ng silid ng isang hotel sa Sta. Mesa, Maynila nitong Huwebes ng umaga, Oktubre 23, 2025. Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD), ang biktima ay tinatayang 30 hanggang 35 anyos, may payat na pangangatawan, humigit-kumulang 5 talampakan ang taas, at nakasuot ng itim na t-shirt at black short pants nang matagpuan. Nakagapos ang kanyang mga kamay at wala nang buhay nang madiskubre. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-7:00 ng umaga nang matagpuan ng hotel staff ang…

Read More

P25-B 2026 MANILA BUDGET APRUBADO NG CITY COUNCIL

APRUBADO na ng City Council ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang pagpasa sa Ordinance No.8970 o ang paglalaan ng P25 bilyon para sa 2026 mula sa general fund ng Manila City Executive Budget. Pinangunahan ni Councilor Timothy Oliver Zarcal ang deliberasyon sa kanilang regular session para tiyakin ang maayos na pamamahala. Mga pangunahing pangangailangan ang binigyang prayoridad sa budget tulad ng pabahay, kalusugan, edukasyoh at trabaho kaagapay ang kaligtasan ng publiko at pagbangon sa ekonomiya. Ang 13th City Council ay naninindigan sa prinsipyo na “Where Manila goes, the country follows”.…

Read More

‘NO READ, NO WRITE’ NA PINOY DUMOBLE

NAGPAHAYAG ng matinding pagkabahala si Senador Sherwin Gatchalian matapos ilabas ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) ang ulat na dumoble ang bilang ng mga Pilipinong illiterate o hindi marunong bumasa at sumulat sa nakalipas na tatlong dekada. Batay sa 2024 Functional Literacy, Education and Mass Media Survey, tumaas sa 24.8 milyon ang bilang ng mga Pilipinong illiterate — kumpara sa 14.5 milyon noong 1993. “Hindi natin mareresolba ang krisis sa edukasyon kung milyon-milyon pa rin ang hindi marunong bumasa at sumulat. Dumoble na nga ito sa loob ng…

Read More

KORUPSYON DI MAWAWALA HANGGA’T MAY ‘PORK’ – SOLONS

HINDI naniniwala ang Makabayan bloc sa Kamara na mawawala ang pangungurakot sa kaban ng bayan kahit pa bawasan ng 50% ang presyo ng mga proyekto ng gobyerno, hangga’t umiiral ang sistemang pork barrel. Ginawa ng grupo ang pahayag matapos atasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na ipatupad ang pricing system ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na magbabawas ng hanggang kalahati sa presyo ng mga proyektong ipinatutupad. Kabilang sa mga ahensyang inatasan ng Pangulo na sumunod sa DPWH pricing scheme ay…

Read More

TRAVEL TAX PINATATANGGAL NI SEN. ERWIN TULFO

NAGHAIN si Senador Erwin Tulfo ng panukalang batas na naglalayong buwagin na ang travel tax na aniya’y humahadlang sa karapatan ng mga Pilipinong maglakbay. Sa kanyang Senate Bill no. 1409, nilalayon ni Tulfo na alisin na ang travel tax, alinsunod sa pinirmahan ng Pilipinas noong 2002 na “ASEAN Tourism Agreement”. “Halos labing-apat na taon na ang lumipas mula nang pirmahan ng Pilipinas ang ASEAN Tourism Agreement, ngunit pinapatawan pa rin natin ng travel tax,” diin ng Senador. Ayon pa kay Tulfo, ang panukalang ito ay isang “kongkretong hakbang upang matiyak…

Read More