IMEE KAY PBBM: POLITIKO SA LIKOD NI MADRIAGA ‘WAG KUNSINTIHIN

NANAWAGAN si Senador Imee Marcos sa kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos na huwag kunsintihin ang mga politikong gumagamit sa nagpakilalang ‘bagman’ ni Vice President Sara Duterte. Kasabay nito, pinalagan ng senadora ang mga alegasyon ni Ramil Madriaga sa Kamara nitong Martes. Direktang tinawag ni Marcos na sinungaling si Madriaga kasabay ng paggiit na walang katotohanan ang sinasabing term sharing nina Pangulong Marcos Jr. at VP Sara. Sinabi ni Marcos na isa siya sa nagsulong ng tandem ng kapatid at ng kaibigan na si VP Sara at wala sa kanilang…

Read More

NAGKAKALAT NG FAKE NEWS VS PBBM HEALTH TIYAK KAKASUHAN

NAGBABALA ang Malacañang na sasampahan ng kaso ang “malalaking personalidad” na nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.. Ayon kay PCO Undersecretary Claire Castro, nakahanda nang isumite sa Department of Justice (DOJ) ang mga dokumento laban sa mga umano’y fake news peddlers. Kapag naisumite na, ipaaabot din umano sa Malacañang Press Corps ang listahan ng mga sangkot. Nauna nang dumulog sa DOJ si Acting PCO Secretary Dave Gomez upang ireklamo ang isang social media page na nagpapakalat umano ng maling impormasyon. Partikular na pinatutukan ang…

Read More

IMBESTIGASYON SA PLOT VS PBBM BAHALA NA NBI — MALACAÑANG

IPINAUBAYA na ng Malacañang sa National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon sa umano’y planong pagpapatalsik o pagpaslang kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.. Ito ay kaugnay sa rebelasyon ni Ramil Madriaga laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro, mandato ng NBI na imbestigahan ang ganitong uri ng banta, kaya’t hindi na kinakailangan ng direktang utos mula sa Pangulo. “So, hindi na po kailangang mag-utos ng Pangulo… may obligasyon po kayong imbestigahan ito,” ani Castro. Dagdag pa niya, aalamin pa ng Malacañang ang…

Read More

“DUMMY” NI FPRRD UMAMIN SA MULTI-MILLION DEALS

INAMIN ng isang self-confessed bagman na nagsilbi siyang “dummy” sa umano’y paglipat ng milyun-milyong piso sa panahon ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Sa pagharap ni Ramil Madriaga sa House Committee on Justice impeachment hearing, ibinunyag nitong ilang bank accounts ang nabuksan sa kanyang pangalan kahit hindi siya personal na nagpunta sa bangko. Upang patunayan ang kanyang pahayag, pumirma si Madriaga ng waiver sa ilalim ng Bank Secrecy Law. “Despite only earning One Hundred Thousand Pesos to One Hundred Fifty Thousand Pesos from my services to PRRD, millions of pesos went…

Read More

MAS AKMANG POLISIYA PARA SA TNVS, MOTOTAXI, GIIT NG EX-LTFRB CHIEF SA GITNA NG OIL CRISIS

NANAWAGAN si dating Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Winston Ginez ng mas angkop na polisiya para sa transport network vehicle service (TNVS) at motorcycle taxi sectors, lalo na sa gitna ng tumataas na presyo ng langis. Ayon kay Ginez, may maling pagkakaintindi sa sistema ng regulasyon na maaaring magdulot ng hindi magandang epekto sa mga lehitimong tsuper na kasalukuyan nang nahihirapan sa gastusin. Sinabi ng dating LTFRB chairman na hindi tama ang sinasabing maraming kinukupkop na “tempo” drivers ang mga transport network company. Ipinaliwanag niya na sa…

Read More

BAM AQUINO, HINIKAYAT NG MGA BETERANO NG ‘PINK’ MOVEMENT NA TUMAKBONG PANGULO SA 2028

PORMAL na nanawagan ang mga lider ng IM k Leni movement kay Senador Bam Aquino na tumakbo bilang pangulo sa halalan ng 2028, sa gitna ng panawagan para sa pagkakaisa ng bansa at pagtalikod sa nakasanayang pulitika ng patronage at katiwalian. Ang nasabing kilusan, na binubuo ng mga boluntaryong nagmula sa 2022 “Pink” campaign, ay nagsabing ang naging resulta ng 2025 midterm elections—kung saan muling nahalal sina Aquino at Kiko Pangilinan sa Senado—ay patunay na nananatiling buhay at malakas ang panawagan para sa “Gobyernong Tapat.” Ayon kay Elmer Argaño, secretary-general…

Read More