PUNA ni JOEL O. AMONGO AYON sa nakalap nating impormasyon, itong si Wilfredo alyas “Boy Kamote” na residente ng Mayon St., sa District 1 ng Lungsod Quezon, ang nagpapakalat ng mga illegal na gawain sa buong siyudad. Malakas daw ang loob nitong si Boy Kamote, kaya patuloy na namamayagpag ang kanyang mga negosyong illegal na may kinalaman sa sugal at droga. Dati sa District 1 lang ng Lungsod Quezon ang ginagalawan ng mga illegal na negosyo ni Boy Kamote, subalit unti-unti niyang nakukupo ang anim na distrito ng Lungsod, mula…
Read MoreDay: April 20, 2026
HARI NG SABLAY O DAKILANG ALALAY?
Syanong Detektib BAHAGYANG nakasilay ng pag-asa ang mga Pinoy matapos pumutok ang balita hinggil sa pag-aresto kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co sa bansang Czech Republic, dahil sa kawalan ng travel documents. Ang totoo, malaking bentahe si Co sa kabi-kabilang imbestigasyon sa tinaguriang flood control scandal. Hindi biro ang kanyang partisipasyon sa malawakang katiwalian sa likod ng mga proyekto kontra baha ng pamahalaan. Pag-amin ng dating kongresista, kasama siya sa plano at implementasyon ng pinakamalaking katiwalian sa ating kasaysayan. Sakaling makabalik sa Pilipinas, pwede na niyang inguso ang…
Read MoreDILG SEC. REMULLA NGANGA, PERGALAN SA BULACAN ‘DI KAYANG TIBAGIN?
Balitang ‘di Kanais-Nais ni CESAR BARQUILLA BIGYAN muna natin ng masigabong palakpakan at isang mainit na saludo si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa naging matagumpay na kampanya para sa katahimikan ng sambayanan, dahil bumaba ng halos 5 porsyento ang kriminalidad sa buong bansa. Umaabot na pala sa 60k katao ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng DILG laban sa mga pasaway sa lansangan tulad ng curfew sa mga kabataan, pag-iinom sa mga kalsada, pagsusugal, videoke at ang higit sa pumukaw ng atensyon ng…
Read MoreANO ANG KAPALIT NG PAGTESTIGO NI RAMIL MADRIAGA VS VP SARA DUTERTE?
AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS KAHIT na magsinungaling si Ramil Madriaga ay gagawin niya para lamang gumaan ang kanyang kinahaharap na kasong kidnapping, naging dahilan ng pagkakakulong niya ngayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Taguig City. Matatandaan na nakulong si Ramil Madriaga, kasama ng iba pa niyang miyembro sa Madriaga kidnap for ransom group, matapos na maaresto sila sa kanilang hideout, ng Anti-Kidnapping Group ng Philippine National Police (PNP) kamakailan. Sa nasabing operasyon ng mga kagawad ng pulisya, dalawang miyembro ng PNP at dalawa rin…
Read MoreEROPLANO NG PAL NAGSAGAWA NG EMERGENCY DIVERSION, MGA PASAHERO LIGTAS
LIGTAS ang lahat ng sakay ng isang eroplano ng Philippine Air Lines na nagsagawa ng emergency diversion sa Iloilo City, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP). “All 175 passengers on board, including three infants, disembarked safely,” ayon sa CAAP. Nitong Lunes, kinumpirma ng CAAP na nagsagawa ng emergency diversion ang PAL Express flight patungong Manila, sa Iloilo dahil sa pressurization issue. Sa pahayag, sinabi ng CAAP na ang Flight GAP2544, na mula Dumaguete, ay nakaranas ng problema noong Linggo ng hapon, Abril 19. Bilang pag-iingat ay nagdeklara…
Read MoreHIGIT 10 NPA NALAGAS SA SERYE NG ENGKWENTRO SA NEGROS OCCIDENTAL
NALAGASAN nang husto ang hanay ng nalalabing New People’s Army, ang armadong galamay ng Communist Party of the Philippines, nang maglunsad ng focus tactical operation ang mga tauhan ng pamahalaan matapos ang anim na sunod-sunod sa engkwentro sa Brgy. Salamanca, Toboso, Negros Occidental. Sa ibinahaging ulat ng AFP Visayas Command (VISCOM), mahigit sa sampung communist terrorists ang kanilang naneyutralisa habang pitong high-powered firearms, kasama ang ilang war materiel at personal belongings ang nasamsam ng mga elemento ng 79th Infantry Battalion na nasa ilalim ng 303rd Infantry Brigade ng Joint Task…
Read MoreP30.78-M KETAMINE NASABAT SA CLARK, ISINALIN NG BOC SA PDEA
TIMBOG! Iprinisenta nina (mula sa kaliwa) BOC Port of Clark District Collector Jairus S. Reyes, PDEA Region III Director Jigger B. Montallana at BOC Enforcement Group Deputy Commissioner Nolasco K. Bathan sa media ang nasamsam na P30.780 milyong halaga ng “relaxant” Ketamine na diumano ay hinahalo sa iba pang ilegal na droga at ginagamit tuwing may mga wild party. (JUNEX DORONIO) ANGELES CITY — Pormal na isinalin kahapon (Abril 20) ng Bureau of Customs – Port of Clark sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasabat na shipment ng Ketamine…
Read MoreBLACK HAWK DINEPLOY SA FOREST FIRE SA HOMONHON
PATULOY ang operasyon ng mga awtoridad upang apulahin ang grass at forest fire sa Homonhon Island sa Guiuan, Eastern Samar na nagsimula ilang araw na ang nakalipas. Ayon kay Col. Ma. Christina Basco ng Philippine Air Force, nagdeploy ng S-70i Black Hawk helicopter ang PAF upang magsagawa ng aerial firefighting operations gamit ang heli bucket system. Layunin ng operasyon na mapigil ang paglawak ng sunog, lalo na sa mga lugar na hindi naaabot ng ground responders dahil sa matarik na terrain. Sa kasalukuyan, nakapagsagawa na ng siyam na sorties ang…
Read MoreDOJ TINIYAK PATAS NA IMBESTIGASYON SA MGA VILLAR
TINIYAK ng Department of Justice (DOJ) na magiging patas ang imbestigasyon sa reklamong inihain ng Securities and Exchange Commission laban sa pamilya Villar. Ayon kay Senior Deputy State Prosecutor Peter Ong, na namumuno sa panel, walang sinumang nakikialam sa kanilang proseso. “We are always fair to everyone. Wala pong nagdidikta sa amin… We just have to do our job,” ani Ong. Sinabi rin niya na maaga pa upang talakayin ang panawagan ng kampo ng Villar na ibasura ang reklamo dahil hindi pa niya nababasa ang kanilang counter-affidavit. Itinakda sa Mayo…
Read More