PATULOY ang operasyon ng mga awtoridad upang apulahin ang grass at forest fire sa Homonhon Island sa Guiuan, Eastern Samar na nagsimula ilang araw na ang nakalipas.
Ayon kay Col. Ma. Christina Basco ng Philippine Air Force, nagdeploy ng S-70i Black Hawk helicopter ang PAF upang magsagawa ng aerial firefighting operations gamit ang heli bucket system.
Layunin ng operasyon na mapigil ang paglawak ng sunog, lalo na sa mga lugar na hindi naaabot ng ground responders dahil sa matarik na terrain.
Sa kasalukuyan, nakapagsagawa na ng siyam na sorties ang helicopter bilang bahagi ng firefighting efforts.
Isinasagawa ang operasyon sa koordinasyon ng Office of Civil Defense, Bureau of Fire Protection, Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) VIII, at mga lokal na pamahalaan.
Hindi pa rin idineklara na “fire out” ang sunog at nagpapatuloy ang ground at aerial operations upang tuluyang makontrol ang sitwasyon.
(JESSE RUIZ)
162 