EROPLANO NG PAL NAGSAGAWA NG EMERGENCY DIVERSION, MGA PASAHERO LIGTAS

LIGTAS ang lahat ng sakay ng isang eroplano ng Philippine Air Lines na nagsagawa ng emergency diversion sa Iloilo City, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

“All 175 passengers on board, including three infants, disembarked safely,” ayon sa CAAP.

Nitong Lunes, kinumpirma ng CAAP na nagsagawa ng emergency diversion ang PAL Express flight patungong Manila, sa Iloilo dahil sa pressurization issue.

Sa pahayag, sinabi ng CAAP na ang Flight GAP2544, na mula Dumaguete, ay nakaranas ng problema noong Linggo ng hapon, Abril 19.

Bilang pag-iingat ay nagdeklara ng emergency ang crew at nagdesisyong lumapag sa Iloilo International Airport.

Ligtas na lumapag ang eroplano bandang alas-4:27 ng hapon. “All 175 passengers on board, including three infants, disembarked safely.”

“Several passengers requested for medical assistance, who were promptly attended to by airport medical personnel,” dagdag pa.

Mahigpit na mino-monitor ng CAAP ang sitwasyon at nakikipag-ugnayan sa airline.

“Reports indicate that the oxygen supply in the cabin was insufficient after the aircraft reached its cruising altitude of 32,000 ft,” ayon sa nakalap na impormasyon matapos ang insidente.

(JESSE RUIZ)

 

214

Related posts

Leave a Comment