GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN ‘YUNG viral na video sa loob ng Jollibee, hindi naman talaga dapat pag-usapan kung maayos lang ang nangyari. Pero hindi eh. Isang doktor, kasama ang asawa niya, nagwala sa counter dahil sa refund. Hindi lang simpleng reklamo. Malakas ang boses, may masasakit na salita, at umabot pa sa paghagis ng mga gamit. Para sa akin, doon pa lang, tapos na ang usapan kung sino ang mali. Ang mas nakapagtataka, ang liit lang ng pinagmulan. Cashless ang bayad, tapos gusto cash ang refund. Ipinaliwanag ng…
Read MoreDay: May 7, 2026
PAGLABAG SA RA 9904, RA 3019, AT RA 6713 ANG PAKIKIALAM SA HOA ELECTION
PUNA ni JOEL O. AMONGO MARAMING nagtataka kung bakit patuloy na nakikialam ang isang barangay captain ng District 5 sa Quezon City, sa gaganaping eleksyon sa Mayo 10, 2026 ng homeowners association ng subdivision. Si kapitan na mismo ang nangunguna sa miting na ginagawa ng bagong grupong babangga sa incumbent officials ng HOA ng nabanggit na subdivision na malapit sa SM Fairview sa QC. Bakit pursigido si Kapitan? May kinalaman ba ito sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan election (BSKE) sa Nobyembre 2, 2026? Sa bawat komunidad, mahalaga ang…
Read MoreMOST COMPLAINED AGENCY ANG LTO
CLICKBAIT ni JO BARLIZO TILA wala namang nagulat nang ihayag ni Anti-Red Tape Authority (ARTA) Secretary Ernesto Lopez sa isinagawang press briefing ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Martes, Mayo 5, na namamayagpag ang Land Transportation Office (LTO) bilang “most complained agency” sa bansa. Batay sa kumpirmasyon ni Sec. Lopez, naungusan na ng LTO ang Food and Drug Administration (FDA) sa unang puwesto. Malinaw na indikasyon ng patuloy na pagkadismaya ng publiko sa serbisyo ng LTO na dapat sana’y mabilis at maaasahan. Paano ba naman kasi, paulit-ulit ang mga reklamo…
Read MoreASEAN SUMMIT 2026 TUTUTOK SA ENERGY SECURITY AT ME CRISIS
MAGPOPOKUS ang mga lider na dadalo sa 48th ASEAN Summit 2026 sa usapin ng energy security at epekto ng krisis sa Gitnang Silangan, ayon kay Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez. Ayon kay Gomez, bahagi ng agenda ang pagbuo ng unified response upang mabawasan ang epekto ng tumataas na presyo ng enerhiya sa mga miyembrong bansa. Kabilang din sa tatalakayin ang disaster resilience, na layong palakasin ang koordinasyon sa early warning systems at humanitarian response. Binanggit din ng kalihim ang sitwasyon sa Albay dulot ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon bilang…
Read MoreP241K SHABU NADISKUBRE SA ABANDONADONG MOTOR
TINATAYANG P241,400.00 halaga ng hinihinalang shabu ang nadiskubre sa isang abandonadong motorsiklo sa Dasmariñas City, Cavite noong Martes ng gabi. Ayon sa ulat, nakatanggap ng tawag ang mga operatiba ng Station Tactical Operation Command ng Dasmariñas Component City Police Station mula sa isang concerned citizen, hinggil sa isang inabandonang puting motorsiklong Honda PCX sa Paliparan road, Barangay Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite bandang alas-8:55 ng gabi. Nang beripikahin ang chassis ng nasabing motorsiklo, nalaman na wala itong legal na dokumento at nang buksan ang compartment nito ay nadiskubre ang 13…
Read More2 HIVs TIMBOG SA P10-M DROGA SA LUCENA
ARESTADO ang dalawang itinuturing na high value individual sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Lucena City. Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Mamay”, 53, at “Jaber”, 32-anyos. Ayon sa pulisya, isinagawa ang operasyon bandang alas-4:40 ng hapon noong Martes, Mayo 5, sa Purok 5, Barangay Dalahican, Lucena City ng magkasanib na puwersa ng mga tauhan ng Lucena City Police Station at Quezon Maritime Police Station, sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency. Nasamsam sa mga suspek ang tinatayang 300 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na…
Read MorePARENTS NI VELOSO NAKIPAGKITA KAY JUSTICE SEC. VIDA
NAGTUNGO sa Department of Justice (DOJ) ang mga magulang ni Mary Jane Veloso, ang Filipina na nahatulan ng kamatayan sa Indonesia dahil sa drug trafficking. Ayon kay Celia Veloso, pinatawag sila ni Justice Secretary Fredderick Vida, ngunit umalis din ito makalipas ang ilang minuto nang hindi nagbibigay ng pahayag sa media. Ayon naman kay Atty. Edre U. Olalia ng National Union of Peoples’ Lawyers, nagsagawa ng case conference sa DOJ kaugnay ng nalalapit na testimonya ni Veloso sa Mandaluyong Regional Trial Court. Ang testimonya ay bahagi ng kasong qualified human…
Read MoreJOINT MARITIME STRIKE SA BALIKATAN 2026, SINAKSIHAN NI PBBM
SINAKSIHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang malakihang joint maritime strike exercise sa ilalim ng Balikatan 41-2026 na dinaluhan ng libu-libong sundalo mula sa iba’t ibang allied countries. Kasama ng Pangulo si AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa Camp Emilio Aguinaldo sa Quezon City kung saan pinanood ang coordinated maritime strike operations. Ipinakita sa pagsasanay ang interoperability ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasama ang mga puwersa mula sa Estados Unidos, Japan, Australia, at iba pang kaalyado. Kabilang sa tampok ang paggamit ng Typhon Mid-Range Capability…
Read MorePANUKALA PARA PALAKASIN ANG INSENTIBO SA KONSERBASYON NG CULTURAL AT HISTORICAL HERITAGE INIHAIN NI VILLAR
NAGHAIN si Senador Mark A. Villar ng panukalang batas na naglalayong palakasin ang konserbasyon at proteksyon ng mga kultural at makasaysayang ari-arian sa bansa sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Republic Act No. 10066. Ayon kay Villar, layunin ng panukala na tugunan ang mga hamon sa pangangalaga ng pamana, kabilang ang kakulangan sa pondo, limitadong suporta ng institusyon, at mababang kamalayan ng publiko. “Our identity is deeply rooted in our culture and history… hindi sapat ang pagkilala lamang sa kanilang kahalagahan,” ani Villar. Sa ilalim ng panukala, iuuri ang mga kultural…
Read More