4 MOST WANTED PERSONS SA CAVITE, ARESTADO

APAT na nasa listahan ng most wanted persons (MWP) sa Cavite ang dinakma sa isinagawang opesyon ng pulisya sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan.

Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Froils”, MWP Regional Level ng Maragondon Municipal Police Station; “Loui”, MWP Regional Level ng Dasmariñas Component City Police Station; “Lorenz, MWP Municipal Level ng Maragondon MPS, at “Marifi”, MWP City Level ng Tagaytay City.

Ayon sa ulat, nagtungo ang Maragondon MPS katuwang ang Sabangan Municipal Police Station, sa Brgy. Abatan Bauko, Mountain Province upang isilbi ang isang warrant of arrest laban kay alyas “Froils” na may kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng Article II ng RA 9165 na inisyu ni Hon. Paul Michael T. Mejia, Presiding Judge ng RTC Fourth Judicial Region Branch 131 sa Trece Martires City

Dakong alas-9:55 ng gabi noong Linggo nang arestuhin naman si alyas “Loui” sa Brgy. Paliparan 2, Dasmariñas City sa bisa ng warrant of arrest na insiyu ni Honorable Francisco Victor L. Collado Jr., Presiding Judge, Fourth Judicial Region, Branch 90, Dasmariñas City dahil sa kasong paglabag sa Section 5 ng RA 9165. Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa nasabing kaso.

Dakong alas-3:40 naman ng hapon nang magsagawa ng operasyon ang Maragondon MPS sa Brgy. Garita A. Maragondon kung saan inaresto si alyas “Lorenz” sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Hon. John Benedict D. Mendoza, Presiding Judge, Regional Trial Court, National Capital Judicial Region, Branch 186, Manila City, sa kasong paglabag sa RA 12010 o Anti-Financial Account – Scamming Act in Relation to Sec. 6 ng RA 10175 na may inirekomendang piyansa na P 72,000.00.

Inaresto naman ng Tagaytay CPS si alyas “Marifi” bandang alas-10:40 ng gabi sa Brgy. Kaybagal South, Tagaytay City, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Analyn Flores Banzuela, Presiding Judge, Municipal Circuit Trial Court, Fourth Judicial Region, Indang-Mendez Nunez Cavite sa kasong estafa sa ilalim ng Art. 315 Par 2 (A) ng RPC at may rekomendasyong P18,000.00 piyansa bawat isa sa tatlong counts.

(SIGFRED ADSUARA)

69

Related posts

Leave a Comment