PUNA ni JOEL O. AMONGO SA edad na 71, marahil ay hindi na dapat iniisip ni Paulito Bayong kung saan siya makakukuha ng pambili ng pagkain kinabukasan. Ngunit sa halip na magpahinga, patuloy siyang nagtitinda ng mais sa gilid ng kalsada sa Matag-ob, Leyte upang kumita ng kahit kaunting halaga. Isang simpleng hanapbuhay para sa isang matanda ngunit nauwi umano sa kanyang pagkakahuli dahil sa pagtitinda sa lugar na sinasabing hindi awtorisado. Ayon kay Mayor Bernie Tacoy, ipinahuli si Bayong dahil ilegal umano ang puwestong kanyang ginagamit. Bilang lokal na…
Read MoreDay: August 18, 2026
PAGAWAAN NG BAKAL SA DAVAO, SINALAKAY
Kurdapyo ni TOTO NABAJA SUNOD-SUNOD ang isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa mga pagawaan ng bakal na substandard. Mga Ka-Toto, nabulaga ang mga empleyado ng Davao Mighty Steel Corporation makaraang salakayin ng mga awtoridad ang kanilang pinapasukang pabrika sa Daang Maharlika Highway, Barangay Ilang, Bunawan, Davao City. Sa 21 na naaresto ng mga awtoridad, 10 dito ang Chinese nationals at 174 na manggagawang Pilipino ang nasagip. Una nang sinalakay ng mga awtoridad ang Philippine Sanjia Steel Corporation sa Misamis Oriental dahil sa paglabag sa environmental laws at substandard ang kanilang…
Read MoreSA BAHA SA BULACAN, PANANAGUTAN ANG DAPAT DUMALOY
At Your Service ni KA FRANCIS KAPAG umabot sa bubong ang baha, hindi na lamang ito usapin ng abala sa trapiko o basang gamit. Para sa mga pamilyang nawawalan ng hanapbuhay, nasisira ang mga ari-arian at napipilitang lumikas, ang baha ay isang krisis na direktang tumatama sa kanilang kabuhayan at dignidad. Kaya naman muling umuugong ang panawagan ng Alliance for Good Governance (AGG) at mga residente ng Bulakan, Bulacan sa Office of the Ombudsman: Panahon nang kumilos at linawin kung sino ang dapat managot sa umano’y maanomalyang flood control projects.…
Read MoreLIBRENG PSYCHIATRIC CONSULTATION ISINULONG SA LAGUNA
ISINULONG ni Laguna Governor Sol Aragones ang pagkakaroon ng libreng psychiatric consultation sa ilang ospital sa lalawigan para mas mapalapit sa mga residente ang tulong para sa mental health. Simula sa Setyembre, magkakaroon ng psychiatrist sa JP Rizal Hospital tuwing Sabado at Linggo, habang may psychiatrist naman sa Laguna Medical Center tuwing Huwebes at Biyernes. Layunin ng programa na matulungan ang mga nangangailangan ng psychiatric consultation, lalo na’t isa sa mga hadlang ang mahal na bayad sa konsultasyon. (NILOU DEL CARMEN) 77
Read MorePara sa mas ligtas na biyahe LIGAW NA HAYOP SA NLEX TUTUTUKAN
MARILAO, Bulacan — Pormal nang nakipagtulungan ang NLEX Corporation at ang Local Government Unit (LGU) ng Marilao upang matiyak ang makataong pagsagip, pangangalaga, at pamamahala ng mga ligaw na hayop na matatagpuan sa NLEX corridor. Ang Memorandum of Agreement ay nilagdaan noong Agosto 10 sa Marilao Municipal Hall nina NLEX President at General Manager Luis S. Reñon at Marilao Mayor Atty. Jemina M. Sy, sa pakikipagtulungan ng Animal Shelter and Care Facility (ASCF) ng munisipyo. “Ang pakikipagsosyo na ito ay bumubuo ng isang mahalagang bahagi ng aming pangkalahatang adbokasiya para…
Read MoreSITG BINUO SA PANANAMBANG KAY MACACUA SA MAGUINDANAO
INANUNSYO ng Philippine National Police na bumuo ng Special Investigation Task Group na siyang tututok sa imbestigasyon sa pananambang sa convoy ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua sa Barangay Bitu, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte noong Sabado ng hapon. Sa isinagawang press briefing nitong Lunes ng umaga sa Camp Crame, sinabi ni PNP-PIO chief, PCol. Allen Rae Co, 81 basyo ng bala ang natagpuan sa lugar na pinangyarihan ng pananambang at kabilang sa mga nakuhang basyo ang mula sa 5.56 at 7.62 caliber. Ayon kay Co, wala namang…
Read MorePAPEL NG PH ARMY SA KAPAYAPAAN AT SEGURIDAD KINILALA NG PALASYO
BINIGYANG-DIIN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mahalagang papel ng 302nd Infantry Brigade ng Philippine Army sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad at pagtugon sa iba’t ibang hamon sa mga komunidad na kanilang nasasakupan. Kinilala ng Pangulo ang mga pagsisikap ng 302nd Infantry Brigade sa kanilang internal security operations, pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at iba pang security partners, gayundin sa humanitarian assistance at disaster response. Hinikayat din ni Pangulong Marcos ang mga sundalo na patuloy na paigtingin ang kanilang civil-military operations, kakayahan sa pagtugon sa mga hamon…
Read MorePINALAWAK NA CROP INSURANCE BILL LUSOT SA KAMARA
SA botong 201 pabor at walang tutol, aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng House of Representatives ang House Bill No. 10365, na naglalayong palakasin at palawakin ang agricultural insurance system sa bansa. Layunin ng panukala na mabigyan ng mas matatag na proteksyon ang mga magsasaka at mangingisda laban sa mga bagyo, baha, tagtuyot, peste at iba pang banta sa kanilang kabuhayan. Ayon kay House Speaker Faustino Dy III, isa sa pangunahing may-akda ng panukala, mahalagang maisabatas ito upang maprotektahan ang mga magsasaka at mangingisda at maiwasan ang pagkalubog…
Read MoreBRIAN POE, GAWAD PILIPINO OUTSTANDING LEGISLATOR
KINILALA si FPJ Panday Bayanihan Party-list Rep. Brian Poe bilang isa sa Ten Outstanding Legislators – Congressmen in the Philippines ng Gawad Pilipino, kasama ang ilan sa mga beterano at kinikilalang mambabatas mula sa dalawang kapulungan ng Kongreso. Kasama ni Poe sa sampung kinilalang miyembro ng Kamara sina Reps. Jose “Bong” Teves Jr., Patrick Michael Vargas, Jude Acidre, Marivic Co-Pilar, Bernadette Escudero, Ann Matibag, Maria Cristina Angeles, Juan Carlos “Arjo” Atayde, at Nelson Dayanghirang Jr. Nagbigay rin ang Gawad Pilipino ng pagkilala sa sampung senador, kabilang sina Senators Francis “Kiko”…
Read More