PAPEL NG PH ARMY SA KAPAYAPAAN AT SEGURIDAD KINILALA NG PALASYO

BINIGYANG-DIIN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mahalagang papel ng 302nd Infantry Brigade ng Philippine Army sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad at pagtugon sa iba’t ibang hamon sa mga komunidad na kanilang nasasakupan.

Kinilala ng Pangulo ang mga pagsisikap ng 302nd Infantry Brigade sa kanilang internal security operations, pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at iba pang security partners, gayundin sa humanitarian assistance at disaster response.

Hinikayat din ni Pangulong Marcos ang mga sundalo na patuloy na paigtingin ang kanilang civil-military operations, kakayahan sa pagtugon sa mga hamon sa seguridad at koordinasyon sa mga ahensya ng pamahalaan at mga lokal na pamahalaan.

Tiniyak naman ng Pangulo ang patuloy na suporta ng pamahalaan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) upang maisakatuparan ang kanilang mga tungkulin para sa kapayapaan, seguridad at kapakanan ng mga Pilipino.

(CHRISTIAN DALE)

89

Related posts

Leave a Comment