ISINULONG ni Laguna Governor Sol Aragones ang pagkakaroon ng libreng psychiatric consultation sa ilang ospital sa lalawigan para mas mapalapit sa mga residente ang tulong para sa mental health.
Simula sa Setyembre, magkakaroon ng psychiatrist sa JP Rizal Hospital tuwing Sabado at Linggo, habang may psychiatrist naman sa Laguna Medical Center tuwing Huwebes at Biyernes.
Layunin ng programa na matulungan ang mga nangangailangan ng psychiatric consultation, lalo na’t isa sa mga hadlang ang mahal na bayad sa konsultasyon.
(NILOU DEL CARMEN)
95 