Inihain ni Senator Mark A. Villar ang Senate Bill No. 2391, o “PRC ID 5-year Validity Act,” na naglalayong palawigin mula tatlong taon tungo sa limang taon ang bisa ng Professional Identification Cards (PICs) na inilalabas ng Professional Regulation Commission (PRC). Ayon kay Villar, layunin ng panukala na mabawasan ang oras, gastos at abalang nararanasan ng mga Pilipinong propesyonal na kailangang regular na mag-renew ng kanilang PRC ID. Batay sa pinakahuling datos, may 5,887,714 rehistradong propesyonal sa 65 propesyong sakop ng PRC. Sa kasalukuyan, mayroon itong isang central office, 14…
Read MoreDay: August 18, 2026
MULA SA BANTAYOG PATUNGO SA BAGONG HENERASYON NG MANUNULAT
SA tabi ng bantayog ni Lope K. Santos ay sina (R-L) Mr Geremie Rosalejo ng Pateros Catholic School; Rene Roy Cagalingan mula sa Komisyon ng Wikang Filipino member ng LIRA, UMPIL at SPP; Ms Char Genir, Filipino Teacher adviser ng Courier student school organ ng Pateros catholic; Francis Yumul, SPP President at Pao Luzada, member ng SPP. ANG Bantayog at Tandang Pang-alaala kay Lope K. Santos (1879–1963), dakilang manunulat na Pasigueño at Ama ng Balarilang Filipino, ay matatagpuan sa hardin ng Pasig Knowledge Center, dating Pasig City Public Library. Dito…
Read MoreWFH, ALTERNATIVE LEARNING MODES SA NCR, 14 PROBINSYA NGAYONG MARTES INIUTOS NG MALAKANYANG
MANILA — IPINAG-UTOS ng Malakanyang ang pagsasagawa ng Work-from-Home (WFH) arrangement sa mga tanggapan ng pamahalaan at alternative learning modes sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan bukas, Agosto 18, bilang paghahanda sa inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng habagat. Nakasaad ito sa Memorandum Circular No. 128 na nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto, sa pahintulot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Alinsunod sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ipatutupad ang WFH arrangement sa mga tanggapan ng pamahalaan at suspensyon ng face-to-face classes sa…
Read MoreACOSTA KINASTIGO NI TULFO
HINDI nakatiis si Senador Erwin Tulfo at agad na sinita ang pagpapakita ng testigong si Gina Acosta, dating special disbursement officer ni Vice President Sara Duterte na tila nahihirapan siyang magsalita ng purong Tagalog. Sa ika-16 na araw ng impeachment trial, hiniling ni Tulfo kay Impeachment Court Presiding Officer Francis Chiz Escudero na obligahin si Acosta na sumagot sa Tagalog o English. Iginiit ni Tulfo na sa imbestigasyon noon sa Kamara, batay sa transcript na nakuha nila, ay kayang-kayang magsalita ng Tagalog ni Acosta. Una rito, hiniling ni Acosta na…
Read MoreLACHICA IDINIIN NI ACOSTA SA OVP CONFI FUND ACTIVITIES
IDINEKLARA ni Presiding Officer Senator Chiz Escudero bilang hostile witness si Gina Acosta, dating special disbursing officer at kasalukuyang vice presidential staff officer VI ng Office of the Vice President (OVP) sa pagharap nito sa impeachment court kahapon. (DANNY BACOLOD) IDINEKLARANG “hostile witness” ng Senate Impeachment Court si Gina Acosta, dating special disbursing officer at kasalukuyang vice presidential staff officer VI ng Office of the Vice President (OVP), matapos nitong tumestigo sa papel ni Col. Raymund Dante P. Lachica sa pagpapatupad ng mga confidential activities na pinondohan ng tanggapan noong…
Read MoreAPLIKASYON IKINASA NG JBC PARA SA BAGONG SC JUSTICE
IKINASA na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang aplikasyon para sa posisyon ng Associate Justice ng Supreme Court (SC) na mababakante sa pagreretiro ni Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier. Ayon sa JBC nitong Lunes, maaaring tingnan sa kanilang website ang mga requirement at iba pang detalye para sa mga gustong mag-apply. Maaari ring magsumite ng aplikasyon online sa JBC Online Registration and Application System (ORAS). Sa Oktubre 1 ang deadline ng aplikasyon. Magreretiro si Lazaro-Javier sa Nobyembre 16. Siya ang namuno sa 2025 Bar Examinations at nagsilbi rin bilang…
Read More