PAGAWAAN NG BAKAL SA DAVAO, SINALAKAY

Kurdapyo ni TOTO NABAJA

SUNOD-SUNOD ang isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa mga pagawaan ng bakal na substandard.

Mga Ka-Toto, nabulaga ang mga empleyado ng Davao Mighty Steel Corporation makaraang salakayin ng mga awtoridad ang kanilang pinapasukang pabrika sa Daang Maharlika Highway, Barangay Ilang, Bunawan, Davao City.

Sa 21 na naaresto ng mga awtoridad, 10 dito ang Chinese nationals at 174 na manggagawang Pilipino ang nasagip.

Una nang sinalakay ng mga awtoridad ang Philippine Sanjia Steel Corporation sa Misamis Oriental dahil sa paglabag sa environmental laws at substandard ang kanilang bakal.

Naaresto dito ang 69 na mga Chinese national na karamihan diumano ay mga undocumented, habang 300 Pilipinong manggagawa naman ang nasagip.

Ay! Abaw ah! Iniuugnay naman itong Sanjia Steel Corporation sa negosyanteng si Tony Yang na kapatid ni Michael Yang, ang economic adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kabilang banda mga Ka-Toto, mahigit 100 mga Pilipino ang inaresto ng China dahil sa umanoy ilegal na pagtatrabaho at paninirahan sa kanilang bansa, na ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., ay isang tahasang pangba-blackmail.

Grabe mga Ka-Toto, tila gumaganti ang China at gustong panghimasukan pati ang ating domestic laws.

Sa ngayon, inaalam pa ng Department of Foreign Affairs ang tamang bilang ng mga Pinoy na inaresto.

Kasunod naman na sinalakay ay ang Chuangxing Steel sa Magalang, Pampanga kung saan nasagip dito ang 347 Pilipinong manggagawa at 37 Chinese nationals.

Ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Executive Director Undersecretary Benjamin Acorda Jr., nasamsam ng mga operatiba ng radioactive materials at iba pang hinihinalang mapanganib na mga sangkap mula sa pasilidad. Kabilang sa mga nakuha ang radioactive isotopes gaya ng Uranium-238, Thorium at Radium-226.

Lahat ng mga sinalakay na pagawaan ng bakal ay kinasasangkutan ng Chinese national. Aray naku! Pakak!

Syempre, hindi naman nagpapasindak ang dating hepe ng Pambansang Pulisya sa posibleng paghihiganti ng China, dahil magpapatuloy ang PAOCC kasama ang National Bureau of Investigation o NBI, sa pagpapatupad ng kanilang mandato at ng batas.

Ka-Totong Kurdapyo at Kurdapya, ano ang inyong reaksyon at opinyon sa mga isinagawang pagsakakay ng PAOCC, National Bureau of Investigation at iba pang ahensya ng ating pamahalaan?

Sinabi naman ni NBI Director Melvin Matibag, 70 porsyento ng mga nasirang gusali sa 7.8 na lindol sa Sarangani noong Hunyo ay gawa ng Davao Mighty Steel Corporation.

Ops… teka lang… bago ang pagdating ni director Matibag sa Davao, may mga umuugong na meron itong aarestuhin.

Kaya nang tanungin ng mga reporter si Matibag sa Davao City kung si Senador Bato dela Rosa nga ba ay aarestuhin na?

Ang sagot nitong pabiro ay “Nandito kami sa Davao, ang nahuli namin hindi bato, kundi bakal ha ha ha”… ay ambot sa biyudang baka.

93

Related posts

Leave a Comment