GINTONG “PEACOCK,” SIMBOLO NG TIWALA SA REPORMA NG BOC

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA IGINAWAD ng Federation of Indian Chambers of Commerce (Philippines) Inc. (FICCI) ang Golden Peacock Award for Excellence in Government Service kay Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel F. Nepomuceno sa idinaos na 6th Customs Industry Consultative and Advisory Council (CICAC) General Assembly noong Agosto 6, 2026. Kinilala sa parangal ang pamumuno ni Nepomuceno at ang patuloy na mga reporma ng BOC upang palakasin ang pangangasiwa sa Customs at suportahan ang lehitimong kalakalan. Ipinakita rin ng pagkilala ang matibay na suporta ng business community sa…

Read More

HUWAG BALAT-SIBUYAS

CLICKBAIT ni JO BARLIZO PINUTAKTE ng batikos nitong nagdaang linggo si Palace Press Officer Claire Castro dahil sa isa sa kanyang mga naging komento patungkol sa papel ng mga guro sa paghubog sa kaisipan ng mga mag-aaral. Ito ay kasunod ng malungkot na pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University Junior High School. Naging mitsa nito ang pahayag ni Castro, kilala sa social media bilang si Ante Kler, kung saan binigyang-diin niya ang malaking papel ng paaralan at pagpapaalala na may ilang gurong nagpapakita o nagtuturo ng maling asal sa mga…

Read More

KALIGTASAN MUNA SA HARAP NG MASAMANG PANAHON, TINIYAK NI MAYOR SUSAN YAP

TARGET ni KA REX CAYANONG WALANG mas mahalaga kaysa kaligtasan ng mamamayan, lalo na sa panahong patuloy ang banta ng malakas na pag-ulan at pagbaha. Dahil dito, makatwiran ang pagpapaliban sa Education Caravan ng UP Open University–Tarlac Center for Learning and Skills Success na nakatakda sana nitong Miyerkoles, Agosto 19. Sa ganitong sitwasyon, hindi dapat isantabi ang panganib para lamang maituloy ang isang aktibidad. Ang edukasyon ay mahalaga, ngunit ang kaligtasan ng mga kalahok, kawani at mamamayan ay dapat laging unang konsiderasyon. Kapuri-puri rin ang agarang pagtugon ng City Government…

Read More

Mandatory transparent bag sa ilang Cavite schools CAMPUS SECURITY HINIGPITAN KASUNOD NG ZAMBO SHOOTING

PINAIIGTING ng mga paaralan at lokal na pamahalaan ang mga hakbang sa campus security kasunod ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University (AdZU) na ikinasawi ng dalawang estudyante. Sa Zamboanga City, nakipagpulong ang Department of Education (DepEd) sa mga school heads upang palakasin ang security protocols habang patuloy na tinututukan ang mental well-being ng mga mag-aaral at school personnel. Binigyang-diin ni Eileen Pearl Aca-ac, principal ng Lumbangan Integrated School, ang pangangailangang maging mas mapagmatyag ang mga paaralan upang agad na matugunan maging ang maliliit na problema bago pa lumala. Iginiit…

Read More

SEPT. 14 DEKLARADONG SPECIAL NON-WORKING DAY SA BARMM

IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Setyembre 14, 2026 bilang special non-working day sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) upang mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na makilahok sa kauna-unahang regular parliamentary elections ng rehiyon. Nakasaad sa Proclamation No. 1395 na mahalagang bigyan ang mga taga-BARMM ng sapat na panahon upang aktibong makilahok sa halalan at maisagawa ang kanilang karapatang bumoto. “In order to give the people of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao the opportunity to actively and fully participate in the election and…

Read More

6 MOST WANTED HULI SA PNP SACLEO, 155 BARIL NASAMSAM

ANIM na itinuturing na most wanted criminals sa Ilocos Region ang nadakip bukod pa sa 155 na mga baril ang nasamsam sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation ng PNP-Police Regional Office 1 (PRO 1). Sa ibinahaging report ni Brig. Gen. Jovencio Badua Jr., PRO 1 regional director, umaabot sa 155 iba’t ibang uri ng baril ang nasamsam sa tatlong araw na anti-criminality and law enforcement operation sa buong rehiyon kabilang dito ang apat na baril na pakay ng target operations. Nabatid na bahagi ito ng Simultaneous Anti-Criminality and…

Read More

MAAYOS NA PAGPAPALAKI SA MGA ANAK, MAHIGPIT NA GUN CONTROL APELA NI SEN. ERWIN TULFO

NANAWAGAN si Senate Committee on Social Justice, Welfare, and Rural Development Chairman Erwin Tulfo sa mga magulang at guardians na higit na bantayan at kausapin ang kanilang mga anak sa halip na umasa lamang sa teknolohiya sa pag-alam sa kanilang kalagayan. Ang pahayag ni Tulfo ay kasunod ng pagkakarekober ng baril sa bag ng isang Grade 9 student sa Pinamungajan, Cebu, ilang araw matapos ang shooting incident sa Ateneo de Zamboanga University (ADZU) na ikinasawi ng dalawang estudyante at ikinasugat ng siyam na iba pa. Ayon sa mga awtoridad, pagmamay-ari…

Read More

PROJECT ARUGA NG DSWD, TULONG SA MGA INA NG BATANG MAY AUTISM

NAKAHANAP ng tulong si Rossini Erica Selleen Padua sa Project Aruga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) habang inaalagaan ang kanyang anak na may level 2 autism. Ayon kay Rossini, ang pagpapalaki sa batang may autism ay nangangailangan ng espesyal na pangangalaga, pagmamahal at atensyon, bukod sa malaking gastusing kaakibat ng medical needs at therapy sessions. Inamin niyang hindi madali ang araw-araw na pag-aalaga, ngunit patuloy siyang nagsisikap dahil sa pagmamahal sa kanyang anak. Nang matanggap niya ang tulong mula sa Project Aruga, hindi lamang ito itinuring ni…

Read More

DA, PINAIGTING PAGTUGIS SA PEKENG FARM INPUTS

PINAIGTING ng Department of Agriculture (DA) ang kampanya laban sa mga peke, hindi rehistrado, adulterated at ilegal na ginawang agricultural inputs sa buong bansa. Kasunod ito ng direktiba ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. sa Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) na higpitan ang market surveillance at pagpapatupad ng mga regulasyon laban sa mga ilegal na farm inputs. Ayon sa DA, isinagawa kamakailan ng FPA, Police Provincial Office at mga tauhan ng Talavera at Rizal Police ang operasyon sa isang pasilidad kung saan natagpuan ang daan-daang sako ng fertilizer…

Read More