AFP TINIYAK NA HINDI AABANDONAHIN ANG BRP SIERRA MADRE

MARIING nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi nito pababayaan o iiwan ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, kasunod ng pahayag ng Chinese Embassy sa Maynila na may umano’y kasunduan para alisin ng Pilipinas ang barko sa naturang lugar. Ayon kay AFP spokesperson for West Philippine Sea Ret. Rear Adm. Roy Vincent Trinidad, walang umiiral na kasunduan na nag-uutos sa Pilipinas na alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. “The AFP rejects the recent statement from the Chinese Embassy in Manila attempting to rewrite history…

Read More

Sa operasyon kontra ilegal na yosi 13 TAUHAN NG PNP-HPG NA ‘NAKASAGUPA’ NG BOC SIBAK

fake yosi

SINIBAK sa puwesto ang hepe ng Regional Highway Patrol Group-National Capital Region (RHPG-NCR) at 12 iba pang tauhan nito matapos ang umano’y komprontasyon sa mga personnel ng Bureau of Customs (BOC) sa Bulacan. Iniutos ni Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) Director P/Brig. Gen. Rommel Batangan ang pag-relieve sa mga sangkot na personnel ng HPG-NCR. Kasunod ito ng mga ulat ng umano’y komprontasyon ng mga tauhan ng HPG-NCR at BOC kaugnay ng pagsira o disposal ng mga nakumpiskang smuggled cigarettes sa Bulacan. Iniutos ni Batangan ang paglilipat sa mga sangkot…

Read More

PHLPOST NAGBABALA LABAN SA ‘SMISHING’ AT INTERNET SCAMS

NAGBABALA ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) sa publiko laban sa mga mapanlinlang na text message o “smishing” na gumagamit sa pangalan at pagkakakilanlan ng ahensya upang makakuha ng personal at sensitibong impormasyong pinansyal. Ayon sa PHLPost, karaniwang nagpapadala ang mga scammer ng text message na may kasamang kahina-hinalang link at nagsasabing may problema umano sa paghahatid ng isang parcel dahil sa hindi kumpletong address o kailangan ng agarang pagbabayad ng “redelivery fee” gamit ang credit o debit card. Mariing nilinaw ng PHLPost na hindi nagmumula sa ahensya ang mga ganitong…

Read More

KAMPANYA KONTRA POWER THEFT PINAIGTING NG PNP

PINAIGTING ng Philippine National Police (PNP) ang kampanya laban sa pagnanakaw ng kuryente o electricity pilferage sa pakikipagtulungan sa Department of Justice (DOJ) at Manila Electric Co. (Meralco). Ayon sa pamunuan ng PNP, makikipag-ugnayan ang kapulisan sa DOJ upang makabuo ng matitibay na kaso laban sa mga sangkot sa pagnanakaw ng kuryente, kabilang ang ilegal na paggalaw o paninira sa mga electric meter at transmission lines. Inihayag ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez na layunin ng kampanya na matiyak na mapapanagot, makakasuhan at mapaparusahan ang mga sangkot sa power…

Read More

CRACKDOWN VS IMPROVISED REPLICA PLATES KASADO SA SETYEMBRE

SISIMULAN sa darating na Setyembre 1 ang mas mahigpit na pagpapatupad laban sa mga motorista na gumagamit ng improvised o replica plates nang walang kaukulang awtorisasyon, ayon sa Land Transportation Office (LTO) . Sa panayam sa media nitong Sabado, nagbabala si LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao na hindi kukunsintihin ng ahensya ang paggamit ng mga plakang ginaya sa opisyal na plaka ng LTO. Kasama rin sa crackdown ang mga manufacturer ng improvised at replica plates na iligal na gumagawa at nagbebenta ng mga ito. “Starting September 1 po kasi,…

Read More

KABATAAN HINIKAYAT MAGBABAD SA SPORTS ‘DI SA SOCIAL MEDIA

HINIKAYAT ni Senador Christopher “Bong” Go ang mga kabataan na mas ituon ang kanilang oras sa sports at iba pang makabuluhang aktibidad kaysa sa labis na paggamit ng social media at gadgets. Binigyang-diin ni Go na ang regular na physical activity ay nakatutulong sa paghubog ng disiplina, katatagan at healthy lifestyle ng mga kabataan. “Mas dapat nating hikayatin ang mga kabataan na lumabas, maglaro, at mag-sports kaysa buong araw na nakatutok sa social media at gadgets. Mas maraming oras sa court, sa field, o sa playground; mas kaunting oras sa…

Read More

POVERTY ALLEVIATION PROGRAMS NG GOBYERNO EPEKTIBO – DSWD

ITINUTURING ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na epektibo ang mga programa ng gobyerno laban sa kahirapan kasunod ng pagbaba ng poverty incidence sa bansa batay sa 2025 data ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ayon sa DSWD, bumaba sa record-low na 9.7 porsyento ang poverty incidence mula sa 15.5 porsyento. Sinabi ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao na positibong senyales ang pagbaba ng poverty rate at nagpapakita itong gumagana ang whole-of-government strategy laban sa kahirapan, partikular ang mga pangunahing programa gaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).…

Read More