EXCITED na si Glenda Dela Cruz, chief executive officer ng Filipino-owned Brilliant Skin Essentials, na gamitin ang mga natutunan niya mula sa anim na araw na intensive program sa Harvard Business School. Natapos kamakailan ng CEO, na kilala rin bilang Miss Glenda, ang Strategic Marketing for Driving Growth program, kung saan hinarap niya ang 19 business cases kasama ang mga entrepreneur at lider mula sa iba’t ibang bansa, industriya, at background. “Hindi lang ako umuwi na may certificate, umuwi ako with a deeper perspective on business, leadership, and growth. Finally,…
Read MoreDay: October 4, 2026
KATIWALIAN SA HUDIKATURA AGAD ISIWALAT – SC
HINIMOK ni Acting Chief Justice Marvic Leonen ang mga korte at kawani ng hudikatura na agad iulat ang anomang insidente ng graft at corruption upang mapanatili ang integridad at tiwala ng publiko sa sistema ng hustisya. Nagbabala si Leonen na ang pananahimik o pagbubulag-bulagan sa harap ng katiwalian ay maaaring magpalala sa kawalang-katarungan, lalo na para sa mga mahihina at walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang sarili. Binigyang-diin ni Leonen na bawat akto ng korupsyon ay pumapabor sa mga makapangyarihan at mayayaman, habang higit na napag-iiwanan ang mga mahihirap. Dahil dito,…
Read MoreDIGITAL PROTEST ISASAGAWA NG CUSTOMS BROKERS, PORT TRUCKERS
MAGSASAGAWA simula ngayong Lunes, Oktubre 5, 2026, ng digital protest ang mga customs broker, port trucker at iba pang kaalyado bilang protesta sa umano’y mga problema sa serbisyo ng mga foreign shipping line sa mga daungan ng Maynila. Tinawag ng grupo ang kanilang protesta na “Rest Day at the Ports of Manila,” kung saan layunin nilang ipakita ang pagtutol sa sinasabing pagkabalam sa daloy ng kalakalan dahil sa hindi pagtanggap ng ilang foreign shipping line sa mga bakanteng container na nakahanda nang isauli. Ayon sa grupo, nagreresulta umano ito sa…
Read MoreTRISECTORAL HOUSING MOVEMENT: BAHAY AY KARAPATAN, HINDI KALAKAL
NANAWAGAN ang Philippine Trisectoral Housing Movement (PTHM) ng sapat at abot-kayang pampublikong pabahay, seguridad sa paninirahan at pagtigil sa sapilitang demolisyon at pagpapaalis sa mga residente. Ginawa ng PTHM ang panawagan kasabay ng protesta nito sa harap ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ngayong Oktubre 5, World Habitat Day. Kabilang sa broad formation ang PANGISDA-Pilipinas, LUPA-Pilipinas na kumakatawan sa mga maralitang tagalungsod, Workers for People’s Liberation (WPL), Liga ng mga Organisasyon ng Kababaihang Nagkakaisa (LORENA-KAISA KA) at Youth for Nationalism and Democracy (YND). Ayon kay Elmer Galario,…
Read MoreIMPEACHMENT TRIAL POSIBLENG MATAPOS SA LOOB NG 30-45 ARAW
NANINIWALA si Senate President Sherwin Gatchalian na posibleng matapos sa loob ng 30 hanggang 45 araw ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte. Sa takbo ng kasalukuyang paglilitis, sinabi ni Gatchalian na posibleng sa kalagitnaan o katapusan ng Nobyembre makapaglabas ng hatol ang Senado sa impeachment case ng Bise Presidente. “Tingin ko, ako personally, base sa pag-a-analyze ko, baka around we need an additional 30 days to 45 days pa from now. So ang issue lang ay magkakaroon kami ng break, two-week break by end of October. Meron…
Read MoreASEAN HINIMOK NG JTI NA PALAKASIN KOOPERASYON KONTRA TOBACCO SMUGGLING
HINIMOK ng Japan Tobacco International (JTI) ang mga bansang miyembro ng ASEAN na palakasin ang kooperasyon laban sa tobacco smuggling, dahil sinasamantala umano ng mga illicit trader ang magkakaibang enforcement policies sa rehiyon at lalong ginagawang pangunahing destinasyon ng kontrabando ang Pilipinas. Ayon kay Valentin Dinca, regional director ng JTI para sa Anti-Illicit Trade Operations, kailangan ang “harmonized export controls” o pagkakatugma ng mga patakaran sa pag-export sa ASEAN, gayundin ang mas maigting na customs coordination, intelligence sharing at cargo verification. “The Philippines is highly vulnerable. The Philippines is a…
Read MoreMabigat mga alegasyon vs VP Sara; TRILLANES KAILANGAN MAGLABAS NG EBIDENSYA – GIBO
HINIMOK ni Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro si dating Senador Antonio Trillanes IV na ilabas ang kanyang ebidensya hinggil sa alegasyong tumanggap sina Vice President Sara Duterte at asawang si Mans Carpio ng pera mula sa pamahalaan ng China. Ayon kay Teodoro, seryoso ang naturang alegasyon dahil maaari itong magkaroon ng implikasyon sa pambansang seguridad kaya kinakailangang masusing imbestigahan kung may katotohanan ito. Ayon sa dating senador, nakatanggap umano sina Duterte at Carpio ng daan-daang milyong piso mula sa Embassy of the People’s Republic of China sa pamamagitan ng foundation…
Read More