IMPEACHMENT TRIAL POSIBLENG MATAPOS SA LOOB NG 30-45 ARAW

NANINIWALA si Senate President Sherwin Gatchalian na posibleng matapos sa loob ng 30 hanggang 45 araw ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa takbo ng kasalukuyang paglilitis, sinabi ni Gatchalian na posibleng sa kalagitnaan o katapusan ng Nobyembre makapaglabas ng hatol ang Senado sa impeachment case ng Bise Presidente.

“Tingin ko, ako personally, base sa pag-a-analyze ko, baka around we need an additional 30 days to 45 days pa from now. So ang issue lang ay magkakaroon kami ng break, two-week break by end of October. Meron kami one week and a half na break sa end of October. So hopefully within 30 to 45 days,” pahayag ni Gatchalian.

Nilinaw naman ng Senate President na personal lamang niyang pagtataya ang naturang timeline at maaari pa itong magbago depende sa magiging takbo ng paglilitis.

Ipinaliwanag din ni Gatchalian na hindi maaaring isabay ang impeachment trial sa plenary deliberations ng Senado para sa panukalang 2027 national budget, na karaniwang umaabot mula umaga hanggang hatinggabi.

“Kasi, pagtapos nitong this week, hopefully, this week to next week, matapos na itong Article 2 or Unexplained Wealth. Tapos, papasok naman tayo doon sa Article 4 or yung bribery. Tapos, after that, yung defense na,” ani Gatchalian.

“So, hopefully, sa defense, mas episyente na yung magiging takbo dahil nga sanay na yung mga ano. So between 30 to 45 days. But I can be wrong, dahil maraming, like I said, maraming pagbabago kasi in the middle. Personal estimate,” dagdag niya.

(DANG SAMSON-GARCIA)

190

Related posts

Leave a Comment