Mabigat mga alegasyon vs VP Sara; TRILLANES KAILANGAN MAGLABAS NG EBIDENSYA – GIBO

HINIMOK ni Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro si dating Senador Antonio Trillanes IV na ilabas ang kanyang ebidensya hinggil sa alegasyong tumanggap sina Vice President Sara Duterte at asawang si Mans Carpio ng pera mula sa pamahalaan ng China.

Ayon kay Teodoro, seryoso ang naturang alegasyon dahil maaari itong magkaroon ng implikasyon sa pambansang seguridad kaya kinakailangang masusing imbestigahan kung may katotohanan ito.

Ayon sa dating senador, nakatanggap umano sina Duterte at Carpio ng daan-daang milyong piso mula sa Embassy of the People’s Republic of China sa pamamagitan ng foundation ng kompanya ng mag-asawa.

“The allegations of Former Senator Trillanes, if substantiated, raise serious implications for national security. He should submit the evidence in his possession, if any, to our law enforcement authorities so the matter can be thoroughly investigated,” pahayag ni Teodoro nitong Sabado, Oktubre 3.

Samantala, itinanggi at tinawag ng kampo ni Duterte na “malicious and fabricated” ang mga alegasyon ni Trillanes.

Ayon kay Duterte spokesperson Salvador Paolo Panelo Jr., handang magsampa ng kaso ang Bise Presidente laban kay Trillanes dahil sa umano’y paulit-ulit nitong pagpapakalat ng maling impormasyon laban sa kanya at sa kanyang pamilya.

“This sudden retreat is absolute proof that his claims cannot survive real legal scrutiny, and are nothing but black propaganda, which is par for the course for a professional character assassin,” ani Panelo.

Matatandaang inalis si Trillanes bilang testigo ng House prosecutors para sa impeachment trial ni Duterte sa Senado.

Sa halip, nagsagawa si Trillanes ng press conference kung saan inilahad niya ang kanyang mga alegasyon laban sa Bise Presidente at asawa nito.

(JESSE RUIZ)

52

Related posts

Leave a Comment