PATAY ang limang armadong lalaki matapos mauwi sa engkwentro ang operasyon ng mga pulis sa Bacoor City, Cavite. Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Allen Rae Co, dalawa sa mga nasawi ay dating miyembro ng Philippine National Police (PNP) na nag-AWOL o hindi na pumasok sa serbisyo. Samantala, isa pa sa mga nasawi ang iniuugnay sa umano’y panghoholdap sa isang jewelry shop sa General Mariano Alvarez (GMA), Cavite. Bago ang insidente, nakatanggap ng intelligence report ang Bacoor Component City Police Station hinggil sa isang armadong grupong papasok umano…
Read MoreDay: November 4, 2026
P398M SMUGGLED CIGARETTES NASABAT NG PHIL. NAVY
UMABOT sa P398 milyong halaga ng hinihinalang puslit na mga sigarilyo ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Navy-Naval Forces sa baybayin ng Sulu sa tatlong magkakahiwalay na operasyon, ayon sa mga opisyal. Pinangunahan ng Naval Forces Western Mindanao ang mga operasyon mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 1, na nagresulta sa pagkakasamsam sa 2,581 master cases ng ilegal na sigarilyo, gayundin ng mga de-motor na sasakyang pandagat na ginamit sa transportasyon ng mga ito. Tinatayang umaabot sa P397,805,257.60 ang kabuuang halaga ng nakumpiskang mga kontrabando. Binigyang-diin naman ng mga opisyal…
Read MoreKAHANDAAN SA LINDOL AT TSUNAMI PALALAKASIN SA 4TH QUARTER NG NSED
SUSUBUKIN ngayong Nobyembre 5, 2026 ang kahandaan ng mga komunidad sa lindol at tsunami sa pamamagitan ng Fourth Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na pangungunahan ng Office of Civil Defense (OCD), katuwang ang iba pang miyembro ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at mga lokal na pamahalaan. Isasagawa ngayong umaga ang full-scale exercise sa Santa Ana, Cagayan, bilang pangunahing pilot area ngayong quarter, kasabay ng mga earthquake drill at exercise sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Magsisimula ang programa sa alas-8:00 ng umaga, na susundan ng…
Read MoreGIBO KINUWESTYON PANAWAGAN NG BIZ GROUP SA GUSOT SA WPS: HUWAG PILIPINAS ANG SAWAYIN
KINUWESTYON ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang panawagan ng ilang grupo ng mga negosyante at non-government organization na bawasan ang maaanghang na palitan ng pahayag sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay ng West Philippine Sea. Ayon kay Teodoro, hindi dapat ang Pilipinas ang sabihang maghinay-hinay dahil naninindigan lamang ang pamahalaan sa katotohanan at transparency sa pagtatanggol sa interes ng bansa. “Who should they be telling that to? We are only standing by the truth and transparency,” ani Teodoro sa isang panayam. Binanggit din ni Teodoro ang iba pang…
Read MoreOSG PINABABASURA SA KORTE SUPREMA PETISYON LABAN SA PAGBABABA NG VOTING THRESHOLD NG IMPEACHMENT COURT
PINABABASURA ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema ang petisyon nina Senator Robin Padilla at Senator Bong Go na kumukuwestiyon sa desisyon ng Senate Impeachment Court na ibaba ang voting threshold para mahatulan si Vice President Sara Duterte. Sa komentong isinumite sa Korte Suprema, iginiit ng OSG na walang naganap na grave abuse of discretion sa botohan noong Setyembre dahil isinagawa ito alinsunod sa mga patakaran at kapangyarihang ipinagkaloob sa Senate Impeachment Court. Ayon sa OSG, nasa kapangyarihan ng Senado ang pagpapasya kung paano bibigyang-kahulugan at ipatutupad…
Read MoreSC IBINASURA PETISYON NI ROMUALDEZ LABAN SA IMBESTIGASYON NG OMBUDSMAN
IBINASURA ng Korte Suprema (SC) ang petisyon ni Leyte Representative Martin Romualdez na kumukuwestiyon sa isinagawang preliminary investigation ng Office of the Ombudsman laban sa kanya. Ayon sa SC, moot na o wala nang saysay pang resolbahin ang petisyon dahil naisampa na sa Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay Romualdez. Nakapag-arraignment na rin ang kongresista at naghain na ng not guilty plea sa naturang kaso. Nauna rito, naghain ng petisyon si Romualdez sa SC upang kuwestiyunin ang preliminary investigation ng Ombudsman, kabilang ang aplikasyon nito para sa preliminary hold departure…
Read MoreMAYON VOLCANO NASA ALERT LEVEL 3; 11 PAGYANIG NAITALA — PHIVOLCS
NANANATILI sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon kasunod ng patuloy na pag-aalboroto nito, habang naitala ang 11 volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Namataan din ng PHIVOLCS ang pagbuga ng usok mula sa bunganga ng bulkan at pamamaga nito, na nagpapahiwatig ng patuloy na aktibidad. Dahil dito, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng sinuman sa loob ng anim na kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ). Ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan dahil sa panganib…
Read More8 LANG SA 1,669 FMR PROJECTS MAY MALI SA COORDINATES — DA
WALO lamang sa kabuuang 1,669 farm-to-market road (FMR) projects na nakapaloob sa panukalang 2027 national budget ang nagkaroon ng pagkakamali sa pag-encode ng geographic coordinates, ayon sa Department of Agriculture (DA). Sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food, binigyang-diin ni Camarines Sur 4th District Rep. Arnie Fuentebella na mas mababa sa isang porsyento ng kabuuang proyekto ang apektado kaya hindi dapat palabasing may anomalya o mali ang buong FMR program. “Eight lang out of more than 1,600, parang blown out of proportion na. Parang the whole budget or…
Read MoreKAMARA PINABIBILIS PAGHAHATID NG P6.2B EL NIÑO AID SA MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA
NANAWAGAN ang Kamara sa mga ahensya ng pamahalaan na tiyaking nakararating sa mga apektadong magsasaka at mangingisda ang ₱6.2 bilyong tulong para sa El Niño, kasabay ng lumalalang tagtuyot na nagbabanta sa produksyon ng agrikultura at seguridad sa pagkain ng bansa. Ipinagpatuloy ng House Committee on Agriculture and Food, sa pamumuno ni Quezon Rep. Mark Enverga, ang pagsusuri sa ilalim ng House Resolution No. 967 na inihain ni Sultan Kudarat Rep. Bella Vanessa Suansing. Layunin nitong rebyuhin ang kahandaan, pondo at mga hakbang ng pamahalaan upang maprotektahan ang kabuhayan ng…
Read More