INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Food and Drug Administration (FDA) at Department of Science and Technology (DOST) na mag-operate ng 24-oras kada araw habang ang bansa ay patuloy na nakikipaglaban sa coronavirus pandemic.
Sa public message ng Pangulo, Lunes ng gabi, Abril 27 ay hinikayat nito ang FDA at DOST na dagdagan ang kanilang work force upang sa gayon ay makapagtrabaho sila araw at gabi.
“We are operating in a crisis kaya sabi ko, for the FDA and ‘yung kay secretary sa DOST, magdoble sila ng tao and the FDA pati ‘yung mga laboratories ng DOST, your offices must run 24 hours,” ayon sa Pangulo.
Tinawagan din ng pansin ng Pangulo ang mga healthcare professional at maging ang medicine graduates, na magboluntaryo sa FDA at DOST.
“I have authorized itong dalawang opisina, FDA pati ‘yung DOST to employ as many that could be required para madalian and to enable the agencies to work day and night. Sabi ko kasi, we are fighting a war here,” ayon sa Pangulo.
Nauna nang inaprubahan ng pamahalaan ang pagtatalaga ng medical graduates para tumulong sa bansa sa paglaban kontra COVID-19.
Naglunsad din ang Department of Health ng emergency hiring program kasunod ng 15,000 healthcare professionals na kailangan para madagdagan ang existing workforce. CHRISTIAN DALE
192 