FINAL ORDER SA TRANSPORT SECTOR ILALABAS NG PALASYO

PINAKIUSAPAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang transport sector na hintayin ang final order na magiging galaw ng mga ito dahil pinaplantsa pa ito ng pamahalaan.

Ang tinukoy ng Pangulo ay iyong mga lugar na sasailalim sa general community quarantine (gcq) sa Mayo 1.

“Itong sa transportation that would allow movement sa mga tao in areas under general community quarantine. Pero maghintay kayo sa final orders kasi pinaplantsa pa namin ito,” ayon sa Chief Executive sa kanyang public message kagabi.

Nauna rito, napaulat na posibleng hindi pa makabiyahe ang mga pampasaherong jeep sa mga lugar na isinailalim sa general community quarantine (GCQ) simula Mayo 1.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na mahirap ipatupad ang social distancing sa mga jeep dahil magkakaharap ang mga pasahero sa loob ng sasakyan.

Ang maaari lamang bumiyahe ay mga pampasaherong bus na kailangang ipatupad ang mahigpit na social distancing.

“Sa transportasyon, ang posibleng bumalik ngayon ay mga bus kasi pupuwedeng mag-social distancing diyan. Mukhang hindi pupuwede ang jeepney kasi ang mga jeepney po harapan eh, so hindi pupuwedeng mag-social distancing diyan,” ani Roque. CHRISTIAN DALE

177

Related posts

Leave a Comment