More than a smartphone launch, TECNO transformed the debut of CAMON SLIM 5G into a living fashion editorial, bringing together technology, Filipino design and the real stories of women behind “Make It Lighter. MANILA, Philippines — October 1, 2026 — What if a smartphone launch looked less like a technology presentation and more like the cover of a fashion magazine brought to life? TECNO introduced the new CAMON SLIM 5G in the Philippines through “MAKE IT LIGHTER: The Living Cover Runway,” a fashion-led launch experience that placed modern Filipino women—their…
Read MoreDay: October 2, 2026
PUBLIKO, BINALAAN NG PDEA KONTRA “ETOMIDATE VAPES”
NAGLABAS ng seryosong babala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa paggamit ng mga vaping product o vape juice na hinaluan umano ng Etomidate, isang gamot na ginagamit bilang general anesthetic. Kasunod ito ng serye ng operasyon kung saan nakumpiska ng mga awtoridad ang mga e-cigarette at liquid pod refill na naglalaman umano ng naturang kemikal. Pinag-iingat ng PDEA ang publiko laban sa mga ilegal na vaping product na may halong mapanganib na kemikal at patagong ibinebenta sa merkado gamit ang mga bansag na “Space Oil,” “Zombie Vapes” at…
Read MoreP6.7M MISDECLARED CHICKEN SHIPMENT, NASABAT SA PORT OF SUBIC
NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Subic ang frozen chicken meat mula Hongkong na nagkakahalaga ng P6.669 milyon matapos itong ideklarang cooked tofu. Isinagawa ang pagkakasabat kasunod ng pinaigting na kampanya ng BOC laban sa agricultural smuggling at customs fraud. Ang shipment ay nasa loob ng isang 40-foot container at idineklarang cooked tofu, ngunit na-flag para sa inspeksyon matapos makatanggap ng intelligence information na posibleng naglalaman ito ng frozen o processed food products at iba pang agricultural commodities. Sa pagsusuri, nadiskubre ang 1,380 karton…
Read MoreAGAP PARTY-LIST, PINATUTUTUKAN SA PALASYO AT BOC ANG UMANO’Y “HUGAS-TAWAS” SA FROZEN PORK
UMAAPELA si AGAP Party-list Representative Nicanor “Nikki” Briones kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa Bureau of Customs (BOC) na seryosohin ang isyu ng umano’y “hugas-tawas” sa frozen pork meat, kasabay ng kanyang panawagan na tugunan ang epekto ng sobrang pag-angkat ng karne ng baboy sa lokal na industriya. Sa isang press conference sa Maynila, sinabi ni Briones na may umano’y palihim na paraan sa ilang cold storage facility kung saan hinuhugasan ng tawas ang karne ng baboy upang mapanatili itong mukhang sariwa bago ibenta sa merkado. Pangamba ng…
Read MoreEX-BFP CHIEF, NAGHAIN NG NOT GUILTY PLEA SA UMANO’Y P14-M SUHOL
NAGHAIN ng not guilty plea nitong Biyernes ang dating Bureau of Fire Protection (BFP) Director Jesus Fernandez sa mga kasong graft kaugnay ng umano’y pagtanggap ng suhol sa pagbili ng mga ambulansya. Nagpasok ng plea si Fernandez sa harap ng Sandiganbayan Third Division, na pinamumunuan ni Associate Justice Ronald Moreno, kaugnay ng alegasyon na tumanggap siya ng pera mula sa isang pribadong indibidwal para sa pagbili ng 132 ambulansya na nagkakahalaga ng P485 milyon. Nag-ugat ang mga sakdal sa umano’y maanomalyang pagbili noong 2024 ng 132 Type I Basic Life…
Read MorePEKENG SHOOTING REPORT SA CAVITE UNIVERSITY, PINAIIMBESTIGAHAN NG PNP
INATASAN ni PNP chief PGen. Melencio Nartatez Jr. ang Dasmariñas Component City Police Station (CCPS) na tukuyin kung sino ang nasa likod ng pagpapakalat ng pekeng ulat hinggil sa umano’y mass shooting sa isang unibersidad sa Dasmariñas City, Cavite. Nag-viral sa social media nitong Huwebes ang impormasyon na umano’y naganap ang pamamaril sa De La Salle University-Dasmariñas noong Oktubre 1. Agad na nagsagawa ng beripikasyon ang Dasmariñas CCPS at napag-alamang walang naganap na mass shooting sa naturang unibersidad. Kinondena ni PGen. Nartatez ang pagpapakalat ng maling impormasyon na nagdulot ng…
Read MorePITO, PATAY SA TUNNEL SA BENGUET
NASAWI ang pitong kalalakihan matapos umanong makalanghap ng nakalalasong gas sa loob ng isang tunnel sa Sitio Dontog, Barangay Ampucao, Itogon, Benguet. Ayon sa ulat na inilabas ng Provincial Government of Mountain Province sa social media noong Setyembre 30, 2026, natagpuan ang pitong biktima sa loob ng isang tunnel portal sa Sitio Bontog. Unang iniulat ng isang saksi ang insidente noong gabi ng Setyembre 30, dahilan upang agad na rumesponde ang mga rescue team para sa retrieval operations. Bandang alas-11 ng umaga noong Oktubre 1, 2026, matagumpay na narekober ng…
Read MoreP324M INILAAN NG MAYNILA PARA SA MEDICAL EQUIPMENT — ISKO
UMABOT na sa P324 milyon ang inilaan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila para sa pagbili ng medical equipment bilang bahagi ng pagpapalakas sa healthcare system ng lungsod. Sa 56th Philippine Association of Schools of Medical Technology and Public Health, Inc. (PASMETH) Annual National Convention na ginanap ngayong umaga sa University of Santo Tomas (UST), sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso na kabilang sa mga prayoridad ng pamahalaang lungsod ang pagtugon sa Minimum Basic Needs (MBN) ng mga Manileño, partikular sa healthcare, trabaho, edukasyon at pabahay. Ipinakita rin ni…
Read More2 LALAKI BINARIL SA LOOB NG BAHAY SA TONDO
PATAY ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng apat na armadong lalaki na sapilitang pumasok sa kanilang bahay sa Molave Extension, Barangay 194, Tondo, Maynila. Iniimbestigahan na ng Manila Police District (MPD) ang insidente. Batay sa paunang ulat, tinatayang nasa edad 30 hanggang 40 ang dalawang biktima na kapwa natagpuang duguan at wala nang buhay matapos ang pamamaril. Mabilis na tumakas ang mga hindi pa nakikilalang suspek matapos isagawa ang krimen. Nagsasagawa na ang MPD ng backtracking at sinusuri ang mga CCTV footage sa paligid ng lugar upang matukoy ang pinanggalingan…
Read More