3 SELLER NG SMS BLASTER, HULI SA PNP-ACG

KALABOSO ang tatlong suspek makaraang arestuhin ng mga tauhan ng Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police dahil sa pagbebenta ng SMS blaster machine na ginagamit sa online scam.

Ayon kay ACG Director PMGen, Wilson Asueta, naaresto ang mga suspek sa magkahiwalay na operasyon sa Cavite at Parañaque City, bunga ng mahigpit na cyber patrolling kung saan natuklasan ang kanilang pagbebenta online.

Ang SMS blaster machine ay kayang magpadala ng mass message at nagagamit sa pagpapadala ng mga pekeng link.

Sinabi ni Asueta, ang mga SMS blaster machine ay pullout items mula sa mga ilegal na operasyon ng POGO.

Sa ngayon, patuloy ang pagkakasa ng operasyon ng ACG sa iba pang SMS blasters na ibinebenta sa merkado.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong Misuse of Devices sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012.

(TOTO NABAJA)

45

Related posts

Leave a Comment