82 VK MACHINES DINUROG SA LAS PINAS

WINASAK at dinurog, sa pamamagitan ng backhoe, ang 82 video karera machines na nakumpiska ng mga tauhan ng Las Piñas City Police sa harap ng city hall kahapon ng umaga.

Ipinakita mismo ni Police Col. Segundo Lagundi, hepe ng Las Piñas Police, kay Mayor Imelda “Mel” Aguilar ang nasabing video karera machines habang ang mga ito ay winawasak.

Ayon kay Col. Lagundi, nakumpiska ang mga video karera simula noong Enero 2 nang simulan nila ang “One-Time Bigtime” operation laban sa ilegal na sugal sa magkahiwalay na barangay sa lungsod ng Las Piñas.

Habang arestado sa magkahiwalay na operasyon ang 23 katao na sangkot sa iba’t ibang kaso na may kaugnayan sa ilegal na droga at sugal.

Ikinatuwa naman ni Mayor Aguilar ang pagsusumikap ng mga tauhan ng Las Piñas City Police na masawata ang ilegal na sugal sa lungsod at pati ang ilegal na droga.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mga pasimuno ng ilegal na sugal gayundin ang 23 katao na sangkot sa iba’t ibang krimen. (ROSE PULGAR)

 

134

Related posts

Leave a Comment