96.8% COVID-19 RECOVERY SA QC

NAKAPAGTALA ng 96.8% o 95,857 ng bilang ng mga gumaling mula sa COVID-19 ang Quezon City.

Ito ay ayon sa pinakahuling ulat ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU).

Ayon sa ulat, 1,970 ang kumpirmadong active cases mula sa 98,982 na kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa lungsod.

Dumaraan sa validation ng CESU, health center staff at mga opisyal ng barangay ang datos na mula sa DOH para masigurong sila ay mga residente ng lungsod.

Maaaring magbago pa ang bilang ng mga kaso sa lungsod dahil sa isinasagawang community-based testing.

Sa nakuhang data mula sa Quezon City, ‘as of June 13, 2021, ang sumailalim sa first dose ng COVID-19 vaccines ay umabot na 353,406 residente. Nakapagtala naman ng 99,777 para sa second dose.

Ang kabuuang bilang ng mga sumailalim sa first at second dose ay 453,183 residente. (JOEL O. AMONGO)

143

Related posts

Leave a Comment