DU30 ‘DI MAKAKA-BONDING ANG MGA OFWs SA CHINA

china ofws12

(NI BETH JULIAN)

WALANG pagkakataon si Pangulong Rodrigo Duterte na makasalamuha o makaharap ang mga grupo ng overseas Filipino workers (OFWs) sa China.

Ito ang inihayag ni Foreign Affairs Assistant Secretary for Asian Pacific Affairs Meybardo LB Montealegre, na sinabing masyado nang puno ang schedule ng mga aktibidad ng Pangulo gaya ng hiwalay na bilateral meeting nito kasama si Chinese President Xi Jin Ping at Chinese Premier Li Keqiang.

Gayunman, kinumpirma ni Montealegre na walang natatanggap na imbitasyon ang gobyerno para sa pakikipagpulong ng Pangulo para iba pang dadalong lider sa nakatakdang Belt and Road Forum sa Beijing, China nitong katapusan ng Abril.

Sa Abril 25 ang lipad ng Pangulo sa China hanggang Abril 27 para sa nasabing forum.

272

Related posts

Leave a Comment