PINAG-UUSAPAN ngayon sa social media ang ilang post ng netizens na dahilan daw kaya galit na galit si VP Sara Duterte kay Speaker Martin Romualdez.
Sa X post ng username na Laitera, na may higit 600,000 na ang nakabasa at may 3,300 likes, sinabi nito na taong 2023 nagsimula ang lahat nang tangkain umano na agawin ni dating pangulong Gloria Arroyo, na noo’y Senior Deputy Speaker, ang pagiging Speaker ni Martin Romualdez.
Ang dahilan aniya ay para patalsikin si Pangulong Marcos sa pamamagitan ng impeachment para ipalit si VP Duterte.
Ayon naman kay @nicodavid .dds sa X post nito “ng hindi magtagumpay ang balak ni GMA dahil sinibak ito bilang Deputy Speaker ni Romualdez, dito na nagalit si Sara kay Speaker Romualdez at bumitiw na sa Partidong Lakas”.
“Dito na rin umpisang tawagin ni Duterte pati mga kaalyado niyang vloggers na tambaloslos si Romualdez,” dagdag pa ni @nicodavid.dds.
Sa Facebook post naman ng “sa totoo lang page,” sinabi nito na lalong nagalit si VP Sara kay Romualdez nang imbestigahan ng Kongreso ang P125 million confidential at intelligence fund ng Office of the Vice President na hanggang ngayon ay hindi pa rin maipaliwanag ni Inday Sara. Pati si Pangulong Marcos ay nadamay na rin sa galit ni VP Duterte kasabay ng kanyang mga patutsada na mahinang pinuno si PBBM.
Tingin ng ilang political analysts, kung hindi umano nag-ambisyon sina VP at GMA ng mataas na pwesto noong nakaraang taon, marahil ay wala itong away sa pulitika ng dalawang grupo.
No comment ang parehong grupo hinggil sa inilabas ng vloggers na dahilan ng away ng kampo ni VP at Speaker.
42