Councilor De Leon hinamon ng netizens sa iba pang bastos na konsehal na kaanib ni Vico Sotto

“Hamon namin kay Councilor Angelu de Leon, totoo ba itong mga akusasyon sa mga kasamahan mo na mga kandidato bilang city councilor o hindi?”

PASIG–Kasalukuyang binabatikos at hinahamon ng mga netizens si Pasig councilor Angelu De Leon na magpaliwanag kaugnay ng mga naglalabasang video scandal ng iba pa niyang kasamahan at kapartidong mga konsehal.

Ito’y makaraang maglabasan ang video ng isang sitting councilor at dalawang aspiring councilor sa Pasig na makikitang nakikipag-video sex. Sa naturang video, ipinaliwanag ang proseso ng pagbili ng serbisyo sa pamamagitan ng pagbabayad umano ng deposit at pagkatapos ay magbabayad ng balanse matapos na makamit ang kanilang mga kagustuhan.

Subalit, ayon din sa nasabing video, ang mga naturang konsehal ay blinock sa social media accounts ang naka-video sex nilang babae upang hindi na sila ma-contact matapos na hindi magbayad ang mga ito ng balanse. Ni-rekord naman umano ng babae ang buong sesyon at isinapubliko ang bidyo dahil umano sa galit sa mga nasabing konsehal.

“Kadiri alam mo naman yang mga ‘giting’ mga banal na aso santong kabayo mga yan. Mga mapagpanggap na anghel galing ilalim ng lupa,” sabi ng netizen na si Iame Mimha sa kanyang Facebook comment.

Bukod pa rito, isa rin umano sa kapartidong konsehal ni De Leon ang inireklamo ng isang single mom matapos nitong hindi panagutan ang bata at hindi sumunod sa nauna nitong pangako na aakuin at dadalhin ng bata ang apelyido ng konsehal sakaling manalo ito noong nakaraang eleksyon.

“Natatawa na lang ako kada magda-drama itong mga giting mapangpanggap kasi,” dagdag pa ni Mimha sa kanyang comment.

Lumabas ang paghahamon ng mga netizens makaraang batikusin ni De Leon si Pasig congressman aspirant Atty. Ian Sia patungkol sa pahayag nito ukol sa mga solo parents ng lungsod.

Matapos ang naturang pahayag ni Sia ay naglabas ng isang Facebook post si De Leon na kung saan paulit-ulit na sinabi ng konsehal na “bawal ang bastos sa Pasig!”

Ang naturang palitan ng isyu ng dalawang partido sa Pasig City ay nakaani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens. Ang iba ay tinawag umanong ‘hipokrita’ si De Leon matapos lumabas ang naturang video.

“OA kayo magalit sa kalaban niyo pero sa kakampi niyo na obvious na obvious ang kabastusan pikitmata lang?” sabi naman ni Mark De Leon sa kanyang Facebook post.

“Hamon namin kay Councilor Angelu de Leon, totoo ba itong mga akusasyon sa mga kasamahan mo na mga kandidato bilang city councilor o hindi?” sabat naman ng isa pang netizen sa Facebook.

Sinabi naman ni Sia na ang naturang ‘joke’ ay alinsunod umano sa kanyang freedom of speech. Dagdag pa rito, isinaad din ng abogado na ang nag-viral umanong statement ay ‘pinaikli’ at ‘malisyosong umusbong upang iligaw ang mga tao sa social media.’

21

Related posts

Leave a Comment