Sa hirap ng buhay ngayon ay talaga namang mahirap kitain ang pera kaya dapat ay maging matalino tayong consumers.
Paalala ng Department of Trade and Industry (DTI) na maging maingat din na mamimili para hindi na-man napagsasamantalahan ng ibang tusong negosyante o hindi mabiktima ng anumang uri ng pagbili ng produkto o serbisyo dahil lamang sa kakulangan ng impormasyon bilang consumers.
Bilang consumers ay may mga karapatan tayo sa ating mga binibili dahil mahalaga ang perang inilalaan natin dito.
MGA PAALALA NG DTI: NO RETURN, NO EXCHANGE
Hindi rin makatwiran ang ganitong polisiya. Tandaan lamang na basta sira o depektibo ang isang produkto ay puwedeng palitan ito, ipaayos o i-refund.
Ano ang legal na batayan ng pagbabawal ng “no return, no exchange” na polisiya ng business estab-lishments?
Alinsunod sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng R.A. 7394, o ang Consumer Act of the Phil-ippines, partikular ang Title III, Chapter 1, Rule 2, Section 7 of Department Administrative Order (DAO) No. 2, Series of 1993, ang “no return, no exchange” na ito ay hindi dapat isulat sa kontrata ng pagbe-benta, pagtanggap ng transaksyon sa benta, sa anumang mga dokumento bilang katibayan ng pagbe-benta, o saanman sa tindahan o negosyo.
MAAARI BANG MAGSAULI NG DEPEKTIBONG
PRODUKTO NANG WALANG RESIBO?
Ang resibo ay katibayan na binili mo ang espesipikong produkto. Gayunman, maaari pa rin namang maisauli ito, mapalitan o maka-refund kung mapapatunayang nabili ang produkto sa isang espesipikong tindahan.
Maaari bang magpataw ang isang tindahan ng kondisyon na ang merchandise ay maaari lamang palitan ng isang beses?
Hindi. Dahil ayon sa DTI ang produkto ay maaaring palitan ng ilang beses, hanggang ang consumer ay makapili ng opsyon na ipapalit dito.
PURCHASING GUIDE
Dapat nakalagay sa food products ang expiration date, kahit pa ang produkto ay semi o fully processed, ready to cook o ready to eat, the nutritive value, at kung ang ingredients na ginamit ay natural synthet-ic.
Ang caption na “No Approved Therapeutic Claim” ay dapat printed sa primary display panel ng lahat ng labeling materials na ginagamit sa food supplements (ito ay nasa immediate label ng container, box, carton, brochures, leaflets, at iba pa) para masigurong ang mga produktong ito ay hindi commercially sold o advertised na may therapeutic claims o nakakagaling.
Depende sa kompanya na gumagawa ng produkto kung anong lengguwahe ang gagamitin niya para sa paalalang nabanggit basta ito ay naiintindihan ng mga mamimili.
Bawal ang dalawang price tags sa iisang produkto. Kadalasang nangyayari ito na, halimbawa, ang presyo ng isang mansanas ay nakalagay sa mismong prutas nito na P25 at mayroon ding presyo nito na naka-display naman sa pinagkuhanang shelf o lalagyan na P30 ang isa. Sa batas dapat ang mas mababang presyo ang dapat na bayaran ng mamimili gamit man ang cash o credit card.
Kung nabili naman ito gamit ang credit card pero may lumabas na surcharge rito ay mahigpit ding ipinagbabawal ng DTI dahil tanging nasa price tag lamang ang mabayaran dito.
GIFT CHECKS, CARDS, AND CERTIFICATES
May proteksyon din tayo rito bilang mamimili sa ilalim ng Republic Act No. 7394 o Consumer Act of the Philippines.
-Noong July 16, 2010 lahat ng gift checks/certificates/ cards na ibinibigay ay dapat na mayroong nakala-gay kung kailan ibinigay sa consumer at nakalagay din dito ang expiry na dalawang taon.
– Sinimulan naman noong July 1, 2012 na ang lahat ng suppliers, issuers, distributors at sellers ay bina-bawalang mag-isyu o magtinda ng gift certificates/checks/cards na may expiry date.
– Ang goods and services na binayaran sa pamamagitan ng gift certificates/checks/cards ay kuwalipika-dong makatanggap sa promotional sales activities, loyalty programs, warranties, return policies para sa cash purchases, at discounts para sa senior citizens/person with disabilities.
IMPORTANCE OF PRODUCT LABELING
Bilang mga mamimili ay dapat alam ninyo ang iyong karapatan sa produktong inyong bibilhin at nabili. Hindi lahat sa atin ay nakakaalam ng kahalagahan ng label sa produkto.
Ano ang mahalaga sa label sa produkto?
* Expiry Date
* Product at Brand Name
* Name at Address ng Manufacturer
* Translation sa English o Filipino
SUGGESTED RETAIL PRICE (SRP)
Madalas itong naririnig o nababasa mula sa telebisyon, radyo, mga pahayagan, posters at iba pa. Pero ano nga ba ang SRP na itinatakda ng DTI?
Ang SRP ay nagsisilbing gabay ng mga mamimili upang makasiguro na tapat ang presyo ng produkto o ito ay nasa reasonable price – na hindi malulugi ang manufacturer o malalamangan ang consumers.
Kapag hindi naging patas ang manufacturer sa presyo ng kanilang produkto ay mapaparusahan ito sa ilalim ng batas at kinakailangang magmulta mula P25,000 hanggang P1 milyon. Hindi kasi tamang mag-taas ng presyo ng mga bilihin nang walang pamantayan at hindi aprubado ng batas lalo na sa panahon ng kalamidad.
NO SHORTCHANGING ACT OF 2016
Nag-isyu noon ang DTI ng DAO 16-03 sa IRR ng Republic Act 10909 o ng tinatawag na “No Shortchanging Act of 2016” na dating tinawag na The Exact Change Act.
Nakasaad sa batas na No Shortchanging Act na lahat ng establisimiyento, kabilang na rito ang sari-sari stores, mga ahensya ng gobyerno at maging ang government-owned and-controlled corporations na may propriety functions ay inuutusan na magbigay ng eksaktong sukli sa consumers at pinagbabawalan ang mga ito na magbigay ng candy (lapis, eraser at iba pa) kapalit ng monetary change.
May kaparusahan ito sa batas at kinakailangang magmulta ng mula P500 hanggang P25,000 o 3 porsy-ento hanggang 10 porsyento ng gross sales sa araw ng paglabag dito, alinman ang mas mataas.
Mas mataas din ang parusa kapag ito ay nakatatlong ulit na paglabag o sa ikatlong beses na pagkakasa-la. Papatawan ng suspension ng license to operate ng tatlong buwan, at pagbawi nito sa ikaapat na pagkakasala.
Ipinagbabawal din kung ang consumer ay hindi o ayaw bigyan ng sukli mula sa mga taxi, bus, tricycle drivers.
Para sa impormasyon o reklamo tumawag sa DTI Hotline sa numerong 751-3330 o magsadya sa www.dti.gov.ph
325