BATANGAS – Kinansela ang klase nitong Miyerkoles sa Batangas City Integrated High School matapos makatanggap ng bomb threat ang pamunuan ng paaralan.
Dahil sa banta, agad na pinauwi ang mga estudyante bandang alas-7:00 ng umaga.
Agad namang nagresponde ang mga awtoridad, kabilang ang Batangas City Police at canine unit, upang magsagawa ng paghahanap sa buong compound at sa mga silid-aralan.
Hindi ito ang unang beses na nakaranas ng ganitong banta ang mga paaralan sa Batangas.
Maraming magulang at netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkabahala dahil tila sunod-sunod ang mga insidente ng bomb threat sa mga paaralan sa lalawigan.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy kung sino ang nasa likod ng mga pagbabantang ito.
Hinikayat nila ang publiko na iwasan ang pagpapakalat ng mga hindi kumpirmadong impormasyon at makipagtulungan sa kanilang imbestigasyon.
(NILOU DEL CARMEN)
237 