NAKAGUGULAT ang balitang lumulutang ngayon tungkol sa isang kilalang opisyal ng isang makapangyarihang partido pulitikal. Imbes daw na mapunta sa mga proyekto at pangangailangan ng kanilang grupo ang koleksyon mula sa mga miyembro, diretso raw itong napupunta sa bulsa ng naturang opisyal.
Ayon sa mapagkakatiwalaang source, ginagastos lamang umano ng nasabing opisyal ang pondo sa luho—mga mamahaling kotse na nakaparada sa Davao del Norte at koleksiyon ng mga baril na dapat na raw siyasatin ng NBI at PNP. Hirit pa ng ilan, baka kailangan pang mag-SAF para sa posibleng raid.
Hindi lang basta-basta ang partidong ito, dahil malakas ang impluwensiya hindi lamang sa Luzon kundi maging sa Mindanao. Kaya kawawa raw ang mga miyembro na umaasang may matatag na pondo sila—ngunit sa huli, baka wala na.
Dagdag pa rito, kilalang-kilala ang pamilya ng opisyal sa kanilang probinsya, puro politiko, habang sa Metro Manila naman ay naninirahan ang pamilya sa isang eksklusibong village.
Hindi tuloy maiwasan ng iba na kuwestiyunin: ito ba ang dahilan kung bakit pursigido silang isulong ang Federalismo? Lalo pa’t kaalyado raw mismo ng Pangulo ang opisyal na ito.
92 