SUPORTA SA JEEPNEY DRIVERS AT MODERNIZATION PROGRAM, KULANG PA – REP. POE

QUEZON CITY — Nanawagan si Representative Brian Poe ng FPJ Panday Bayanihan Party-list, Vice Chair ng House Committee on Appropriations, ng mas mataas na suporta mula sa gobyerno para sa mga jeepney driver na apektado ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program.

Sa isang pagdinig sa Kongreso, iginiit ni Poe na ang presyo ng modernong jeep na umaabot sa ₱2 milyon kada yunit ay nagbabaon sa libu-libong tsuper sa pagkakautang. Aniya, hindi dapat maging kapalit ng modernisasyon ang pagdurusa ng mga driver, kundi dapat itong magbigay ginhawa at pag-angat sa kanilang kabuhayan.

“At ₱2 million per jeep, our drivers are being pushed deep into debt.

Modernization should not come at the cost of our jeepney drivers’ suffering. Modernization should uplift them, not leave them behind,” aniya.

Binigyang-diin din ng mambabatas ang kanyang inihain na House Bill 1191, na naglalayong magbigay ng hanggang 90 porsiyentong subsidy sa pagbili ng mga modernong jeepney. Ayon kay Poe, ito ang pinakamabisang paraan upang matiyak na ang modernisasyon ay magiging makatarungan at hindi pabigat sa mga tsuper at kooperatiba.

106

Related posts

Leave a Comment