EX-ARMY CHIEF MORALES ITINALAGA  SA MWSS BOARD

mwssmorales12

(NI BETH JULIAN)

INILABAS na ng Malacanang ang appointment paper ni retired Army chief Ricardo Morales, na pupuno sa       nabakanteng puwesto bilang miyembro ng  Board of Trustees ni dating vice chair at administrator ng MWSS na si Reynaldo Velasco.

Ito na ang pagtupad sa nauna nang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na babalasahin nito ang pamunuan ng MWSS matapos makaranas ng kakapusan ng suplay ng tubig ang ilang bahagi ng Metro Manila at lalawigan ng Rizal.

May petsang Mayo 27, 2019 ang appointment paper ni Morales na pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pagsisilbihian ni Morales ang hindi pa natatapos na termino ni Velasco na nagsimula noong Hulyo 1, 2018 at magtatapos ngayong  Hunyo 30, 2019.

Kamakailan sa isang talumpati ng Pangulo sa Davao City, inianunsyo nito na magsisilbing chair ng MWSS si Morales.

Pero una na ring sinabi ni Velasco na inabisuhan na siya ng Palasyo na siya ang tatayo bilang chair ng MWSS at papalitan si dating MWSS chair Franklin Demonteverde na malilipat naman sa Judicial and Bar Council (JBC).

Sa kasalukuyan, sinabi ni Velasco, hinihintay pa niya ang appointment paper na ilalabas ng Malacanang para sa kanyang bagong puwesto sa MWSS.

217

Related posts

Leave a Comment