BABAWIIN NG BLACKWATER

ray12

(NI JJ TORRES)

MGA LARO NGAYON:

(MALL OF ASIA ARENA)

4:30 P.M. — SAN MIGUEL VS BLACKWATER

7:00 P.M. — NLEX VS MAGNOLIA

GUSTONG mabawi ng Blackwater Elite ang solo lead sa PBA Commissioner’s Cup, pero inaasahang hindi magiging madali iyon, dahil sasagupain nila ang Philippine Cup champion San Miguel Beer sa alas-4:30 ng hapon ngayon sa Mall of Asia Arena.

Nakatuon ang Elite sa ikaanim na panalo (sa pitong laro) laban sa Beermen, na naghahangad naman ng unang panalo matapos ang magkasunod na kabiguan.

Magde-debut naman sa alas-7:00 ng gabi si Jericho Cruz sa pagsabak ng NLEX laban sa Magnolia Hotshots.

Inaasahang gigil na si Cruz na muling makapag-suot ng jersey at makahawak ng bola, upang tulungan ang naghihingalong NLEX.

Matapos i-freezer ng TNT, si Cruz ay naitrade sa NLEX sa naganap na three-team trade, sangkot ang NorthPort.

Kahit nasa tuktok ng team standings, underdog pa rin ang Blackwater laban sa San Miguel, kaya naman muling sasandalan ni coach Aries Dimaunahan si rookie Ray Parks Jr., at import Alex Stepheson.

Kasosyo ng Blackwater sa three-way tie ang NorthPort at TNT KaTropa.

Hindi pa rin makakalaro si Terrence Romeo para sa Beermen, dahil sa Achilles injury nito.

 

 

181

Related posts

Leave a Comment