PNP HINDI MUNA TATANGGAP NG HIGH-PROFILE DETAINEE

INATASAN ni PNP Chief PGen Jose Melencio Nartatez Jr. ang PNP Legal Service na ipaalam sa Sandiganbayan na hindi muna maaaring tumanggap ng mga high-profile detainee ang PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Matatandaang naghain si Senator Jinggoy Estrada ng kahilingan na mailagay sa kustodiya ng PNP.

Ayon kay Nartatez, nakatakda ang rehabilitasyon ng Custodial Center at plano itong gawing mga opisina dahil sa pagdami ng mga tauhan ng PNP.

Sinabi rin niya na may iba pang custodial facilities na maaaring paglagyan ng mga detainee at may sapat na seguridad.

Ilan sa mga nakulong sa PNP Custodial Center sina dating senador at kasalukuyang Congresswoman Leila de Lima, KOJC leader Apollo Quiboloy, at dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

(TOTO NABAJA)

119

Related posts

Leave a Comment