UMAABOT sa P9.315 bilyon ang naitalang revenue collection surplus ng Bureau of Customs (BOC) sa loob ng nakalipas na limang buwan makaraang makakolekta ng kabuuang P406.365 bilyon mula Enero hanggang Mayo 2026.
Sa inilabas na ulat ng BOC, nahigitan nito ang P397.05 billion target collection para sa loob ng nabanggit na panahon o katumbas ng 2.3 percent.
Ang numero ay kumakatawan sa P24.629 bilyon na pagtaas, o mas mataas ng 6.5 percent kumpara sa kabuuang koleksyon sa parehong panahon noong 2025.
Ayon kay BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno, “The more than PHP9 billion surplus we recorded is proof that when we work together and do our jobs right, we can contribute significantly to the development of the country.”
Dagdag pa ni Nepomuceno, bawat piso na nakokolekta ng BOC ay nakatutulong sa pagpondo sa mahahalagang programa at serbisyo ng Marcos administration na direktang nagbibigay pakinabang sa mga mamamayang Pilipino.
Ayon sa ahensiya, ang positibong performance nito ay pangunahing sanhi ng mas mataas na valuation at pinahusay na mga hakbang sa revenue collection na nakatulong upang mabawasan ang epekto ng mas mababang dami ng mga inaangkat na produkto sa nasabing panahon.
Noong Mayo 2026, ang Aduana ay nakakolekta ng P80.664 milyon, bahagyang nagkulang sa itinakdang target ng P1.726 bilyon, o 2.1 percent. Pangunahing sanhi nito ang pagbaba ng dami ng oil at non-oil commodities, gayundin ang pagpapatupad ng Executive Order 114, na pansamantalang sinuspinde ang pagpapataw ng excise tax sa mga piling produktong petrolyo.
(JESSE RUIZ)
62 