INILABAS na sa Custodial Center sa Camp Crame si dismissed PLtCol. Raphael Dumlao III dakong alas-8:00 ng umaga nitong Miyerkoles.
Si Dumlao, na itinuturong mastermind sa pagpatay sa Koreanong si Jee Ick-Joo, ay isinakay sa coaster ng Philippine National Police kasama ang iba pang pulis upang matiyak ang kanyang seguridad habang inililipat patungong New Bilibid Prison kaugnay ng kanyang kasong kidnapping with homicide.
Matatandaang inaresto si Dumlao sa isang bahay sa Pasong Tamo nitong Martes ng umaga matapos ang kanyang matagal na pagtatago sa mga awtoridad.
(TOTO NABAJA)
98 