VILLAR NAGPAABOT NG TULONG SA MGA BIKTIMA NG LINDOL SA MINDANAO

NAGPAHAYAG ng pakikiisa si Senador Mark A. Villar sa mamamayan ng Sarangani at iba pang lugar sa Mindanao na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol.

Nagpahatid din ang senador ng pakikiramay sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay at naapektuhan ng sakuna.

“Taos-puso po akong nakikiramay at nananalangin para sa mga nawalan ng mahal sa buhay, nasugatan, at sa mga pamilyang napilitang lumikas dahil sa sakunang ito,” ani Villar.

Binigyang-diin ng senador na mahalagang maihatid agad ang kinakailangang tulong habang nagpapatuloy ang relief at assessment efforts sa mga apektadong lugar.

Bilang bahagi ng kanyang assistance efforts, namahagi si Villar ng mga sako-sakong bigas at suplay ng inuming tubig sa pamamagitan ng General Santos City Local Government Unit.

Tiniyak din niya na handang magbigay ng karagdagang tulong ang kanyang tanggapan at makikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya para masuportahan ang relief at recovery operations.

“Sa pamamagitan ng bayanihan, malasakit at pagtutulungan, naniniwala akong makakabangon ang ating mga kababayan mula sa pagsubok na ito,” ani Villar.

(DANNY BACOLOD)

86

Related posts

Leave a Comment