MARCOS JR. SA PANAWAGANG PATALSIKIN SIYA: ‘NONSENSE’

TINAWAG na “nonsense” ni President Ferdinand Marcos Jr. ang panawagang patalsikin siya sa puwesto dahil sa umano’y mabagal na usad ng imbestigasyon sa mga maanomalyang flood control projects.

“That makes absolutely no sense,” tugon ng Pangulo.

Iginiit ni Pangulong Marcos na siya lamang ang naglantad ng umano’y mga iregularidad sa state-funded flood control projects at patuloy ang ginagawang imbestigasyon.

“I cannot say that we have done enough because we are not done yet. Unfortunately, the more we look, the more we find. And it is going already back beyond my administration, beyond my term,” ani Marcos.

Ayon pa sa Pangulo, maging ang kanyang predecessor na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay kinilala ang mga problema sa flood control projects ngunit walang napanagot.

Binigyang-diin din niya na malalim na ang ugat ng korapsyon kaya kinakailangan ng pagbabago hindi lamang sa sistema ng pamahalaan kundi maging sa pananaw ng mga nagpapatakbo nito.

(CHRISTIAN DALE)

66

Related posts

Leave a Comment