BIG PARTY PARA KAY BABY ELIAS NINA JLC, ELLEN

john lloyd12

MAHIGPIT  na inaalagaan nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna ang privacy ng kanilang anak na si Elias Modesto mula nang ipinanganak ito last year. Itinago nila ito sa publiko at hindi nag-post ng anumang larawan ng bata. Naging usap-usapan ito at nanatiling haka-haka lang dahil nga wala namang pruwebang kahit ano ang lumabas sa social media o print media man. Pero nagbago na ito. Sa first birthday ng anak, nag-post ng mga larawan sina John Lloyd at Ellen sa tila joint Instagram account nila na ellen_jlc. Tila hinintay talaga ng celebrity couple na mag-one year ang anak bago nila ito i-“introduce” sa mundo.

 

422

Related posts

Leave a Comment