(NI DAHLIA S. ANIN)
IDINEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte na holiday sa Agosto 12 bilang paggunita sa Eid al-Adha o ang Feast of Sacrifice ng mga kapatid na Muslim.
Kinumpirma ito ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa mga mamamahayag.
Wala pang detalye kung ito ay regular holiday o special non-working holiday ngunit ilalabas din ang opisyal na detalye nito, ayon din kay Medialdea.
Ang Eid al-Adha ay ang pag-alala sa sakripisyong ginawa ni Abraham bilang pagsunod sa kautusan ni Allah.
Ipinagdiriwang ang pistang ito sa Mecca, ang pinakabanal na siyudad ng mga Islam kung saan sila nag-aalay ng hayop, nagdiriwang ng pista kasama ang kanilang mga pamilya at kamag-anak at nagsasagawa ng mga charitable acts sa kanilang kapwa.
220