LOUISE HANDA NANG PABUNTIS SA NON-SHOWBIZ BF

rey pumaloy(NI REY PUMALOY)

Kung si Louise delos Reyes ang tatanungin, mas gusto niyang ikasal bago siya mabuntis.
Pero kung mauuna ang magkaroon siya ng baby sa ka-live in partner at boyfriend na non-showbiz guy, hindi ito magiging isyu.

“Tutal doon din naman kami pupunta, so okey lang siguro,” sey niya.

May ilang buwan nang nakikipag-live in si Louise sa kasintahang businessman sa isang condo kung saan kasama rin ng aktres ang dalawa pa niyang mga kaibigan.

Handa na si Louise sa engagement proposal mula sa kanyang boyfriend.

Nakikini-kinita na rin ng aktres na hindi na siya magiging sobrang aktibo sa showbiz sa kinabukasan.
Graduate ng Diplomat Relations course ang aktres sa Lyceum, at nais niyang magtrabaho ayon sa tinapos niyang kurso.

Sa ngayon ay hindi na naghahangad na maging superstar o big star si Louise katulad noong nasa Kapuso network pa siya.

Mas importante sa kanyang makapag-iwan ng magandang impression bilang isang mahusay na aktres sa mga ginagawa niyang pelikula at TV series.

Syanga pala, mapapanood si Louise sa pelikula nina Andrew E., Dennis Padilla at Janno Gibbs na Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo under Viva Films.

 

151

Related posts

Leave a Comment