PRICE FREEZE HINILING HANGGANG PASKO

dti12

(NI NOEL ABUEL)

TINITIYAK ni Senador Imee Marcos sa taumbayan na magpapatupad ng price freeze’ ang Department of Trade and Industry (DTI) hanggang sa buwan ng Disyembre .

Ayon sa senador sa halip na itaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin ngayong Setyembre, higit na makabubuti kung ipatutupad ang ‘price freeze’ hanggang sa Kapaskuhan.

Sinabi pa ni  Marcos, kailangang maghigpit ang DTI sa mga mapagsamantalang negosyante at itigil na muna ang planong pagtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin lalo na sa panahon ng Kapaskuhan.

“Stop na muna ang taas-presyo sa mga pangunahing bilihin kahit ngayon man lamang panahon ng Kapaskuhan. Hindi naman siguro makaaapekto ito sa higanteng tubo ng mga negosyante kumpara sa maliit na sahod na tinatanggap ng mga simpleng empleyado,” pahayag ni Marcos.

Idinagdag pa nito na  ang planong bagong Suggested Retail Price o SRP ngayong Kapaskuhan ay hindi makatwiran at hindi makatao, at nagpapakita lamang na ang DTI ay higit na pinapaboran ang mga negosyante kumpara sa maliliit na mamimili.

Ayon kay Marcos, ang kawalan ng matibay na batayan ng mga negosyante para itaas ang halaga ng kanilang produkto ay sapat na dahilan para sa DTI na hindi payagan ang taas-presyo na nakaamba sa mga pangunahing bilihin ngayong Chirstmas season.

“Kung tutuusin, halos three months lang naman ang price freeze at napakalaking tulong ito sa lahat ng mga mahihirap nating mga kababayang mamimili. Sa tingin ko naman, makapaghihintay ang mga negosyante sa kanilang gagawin price increase,” paliwanag pa ni Marcos.

Apela ni senador, maliban sa  sardinas, kape, noodles, asukal, mantika, gatas, sabon, tinapay, soy sauce, suka, itlog at mantika, nilinaw rin ni Marcos na ang ‘price freeze’ ay dapat ding maipatupad sa presyo ng bigas, isda, manok, baka at maging sa baboy.

 

214

Related posts

Leave a Comment