UMALMA si Dominique Cojuangco, anak ni Gretchen Barretto kay business tycoon na si Tonyboy Cojuangco sa isang netizen na pumuna sa hindi niya pagdalo sa burol ng kanyang lolo na si Miguel Barretto.
Nagkomento ang netizen sa Instagram post ni Claudine Barretto na may patama kina Gretchen at Dominique: “Pay some respect to your dad instead of partying.”
Dumalo kasi si Dominique sa kasal ni Alissa, anak ni Albert Martinez sa Canada noong October 18. Sinagot ito ni Dominique: “You don’t know me.” Sagot niya sa tanong ng netizen tungkol sa absence niya sa burol ng lolo niya: “I’m in a completely different country with a job.”
365