KISSES, MOMMY TINAKBUHAN ANG BAYARIN SA CONDO

lolit(NI LOLIT SOLIS)

ANO ba yan?!

Ako na ngayon ang pinaka-matinding kontrabida kay Kisses Delavin.

Ang simple lang naman ng isyu. Bayaran lang nila ang mga utility bills na naiwan nila sa condo unit ni Rap Fernandez (Anak ni Rudy Fernandez at Lorna Tolentino).

Si Rap na kasi ang nag-aasikaso ng unit nila sa Imperial Palace na binili ni Lorna  para sa mga anak nila ni Rudy Fernandez.

Alam n’yo na ang nangyari, di ba?

Umalis na lang doon ang mag-inang Carrie at Kisses Delavin dahil nga sa pumutok ‘yong water valve sa kanila, bumaha roon na nadamay pati ang elevator ng hotel.

Nang ipinost ko sa Instagram ko ang pina-stop payment nila na tseke, katakot-takot na bashing ang inabot ko.

Nagpa-interview pa si Kisses kay Ricky Lo at ipinost pa sa Instagram niya para sa side ni Kisses.

Ang simple ng isyu; hindi sila nagbayad ng utility bills ng  September and October. Hawak ni LT ang mga resibo kaya huwag silang mag-deny kung in good faith sila.

Nagbigay sila ng side nila kay Ricky Lo pero hanggang ngayon, wa sila pay!

Nang makita ni Ricky Lo ang mga resibo na hawak ni LT, binura niya ang post niya sa IG!

‘Di bah kaloka? Magbayad lang ang solusyon, hindi pa gawin. Bashing muna ang inuna, at nagpa-interview pa kay Ricky Lo.

Sa mga nagrerenta ng bahay, alam n’yo naman ang one month advance, one month deposit, di ba?

Yung deposit mo naiiwan para iyon sa mga naiwang bills, gaya ng mga utility sa condotel na iyon, electric bills at kung anik anik pa.

Ang nakaloloka pa, sinisingil na ngayon ni Mother Lily si Lorna ng share sa pagpapaayos ng elevator doon. Isang milyon ang nagastos, kalahati noon pinapasagot kay Lorna, eh itong sinisingil kina Kisses magkano lang.

Diyos ko day! Itong mga fans ni Kisses, dapat inaalam muna nila ang kuwento bago sila mam-bash nang mam-bash.

Tinawagan tuloy ako ni Lorna na nag-aalala sa akin dahil sa bashing na inabot ko.

Naku day! Hindi talaga ako apektado. Ituloy-tuloy na nila ang bashing, pero magbayad muna sina Kisses no!

MCCOY AT JANELLA MARAMING NATUTUNAN KAY MARICEL

Ang isa raw sa napag-usapan sa  mediacon ng The Heiress ay ang takot

daw ng mga batang artista kapag nakakatrabaho nila si Maricel Soriano.

Eh sa totoo lang, isa sa napaka-professional ay si Maricel talaga.

Maaga siya sa set, alam ang gagawin sa mga eksenang kukunan, kaya

kung aanga-anga ka, sorry ka na lang.

Kaya naman ang ibang bata at mga baguhang artista, medyo ilag talaga kay Maricel.

Pero kinukuwento nina Janella Salvador at McCoy de Leon, talagang ang dami raw nilang natutunan kay Maricel dito sa set ng The Heiress.

Kinakausap daw sila ni Maricel na siyang nagri-reach out na sa kanila dahil siyempre medyo takot pa sila, dahil Maricel Soriano ang kasama nila sa pelikula.

Sabi kasi ni Maricel, ramdam daw niya kasi na medyo umiiwas sa kanya ang ibang batang artista, kaya siya na ang lumalapit at kumakausap sa kanila.

“Ang pumapasok na lang sa isip ko baka nahihiya lang sila.

“Pag nakita kong okay. Pero nakita kong hindi okay na medyo mahangin,

eh ‘di dun tayo sa aircon,” sabi ni Maria.

Ang lagi raw niyang sinasabi sa mga batang artista, tularan nila si Piolo Pascual.

“Alam nyo ang lagi kong ginagawang ehemplo, si Papa P.

“Si Piolo kasi nung ginawa ko yung Mila, alam mo napaka-professional and very punctual.

“He’s always on the set na nagbabasa ng script, dala yung unan niya at nagmi-memorize ng script, walang kinakausap kundi yung script niya.

“Kaya ang sabi ko nung panahon na yun na sinasabi ko na ‘to, na sana merong mga artista na baguhan o pumasok pa lang sa pag-aartista, tularan nila yung attitude na ‘yun,” sabi pa ni Maricel.

Ang dami kasing artista ngayon. Kahit sikat na sikat ka pero hindi ka naman professional katrabaho, hindi ka rin magtatagal.

Kaya dapat talaga, alagaanan mo ang trabaho mo, at marunong kang makisama sa mga katrabaho mo.

Abangan natin tong The Heiress nina Maricel at Janella na sa trailer pa lang, may takot factor na huh!

Sa November 27 na ang showing nito.

 

236

Related posts

Leave a Comment