KATIWALIAN SA SOSIA: 50% SEKYU PEKE ANG LISENSYA

(NI AMIHAN SABILLO)

PEKE ang hawak na lisensya ng nasa kalahating bilang o 50% na guwardya sa buong bansa, ito ang deklarasyon ni PMGen Roberto Fajardo Jr.,  DIR ng CSG, kasunod ng Launching ng online application ng lisensya ng security guards sa ilalim ng Security Licenses Data Integration and Generation System, ng PNP Supervisory Office for Security and Investigation Agencies o SOSIA.

Sinabi pa ni Fajardo, kinausap na nito si CIDG Director PBGen Joel Coronel para sa imbestigasyon na gagawin hinggil dito.

Sa report ay nasa 500, 000  umano ang mga security guard sa bansa ngunit kalahati lamang nito ang nasa database ng PNP-CSG SOSIA.

Malaking halaga umano ang hindi pumapasok sa kaban ng bayan dahil sa katiwalian sa SOSIA at ang maraming  guwardiya ay peke ang mga hawak na lisensya.

Umaasa si Fajardo na ngayon na magiging online na ang application ay mababawasan ang katiwalian sa nasabing  ahensya.
 

361

Related posts

Leave a Comment