PHL DUATHLETE, WAGI

BINALEWALA  ni Monica Torres ang pananakit ng tiyan nang pangunahan ang women’s duathlon event sa Subic Bay Boardwalk sa Zambales.
Si Torres ay nagsumite ng oras na 02:08:44 para kolektahin ang gold medal.
Pumangalawa si Pareeya Sonsem ng Thailand (2:11:18) at pangatlo si Thi Phuong Trinh Nguyen ng Vietnam (2:11:18).
Sa men’s division, nakuntento lang sa silver medal ang pambato ng Pilipinas na si Joey delos Reyes nang magsumite ng oras na 1:53:04, mas mabagal ng 13 segundo sa nangunang si Johan Jauhari ng Indonesia.

(NI VTRomano/PHOTO BY MJ ROMERO)

191

Related posts

Leave a Comment