Unti-unting umuukit ng sarili niyang pangalan si Kiel Alo sa music industry.
Hindi na lang siya ‘hugot king.’
Si Kiel ay viral celebrity na rin.
Aba’y controversial ang birthday concert niya months back sa Music Museum.
Viral ang video interview namin kay Kiel nang mag-walk out si Morissette Amon pagkatapos mag-untog-untog ng ulo niya sa dressing room ng show’s venue.
Kung anuman ang pinagdaanan ni Morissette, looking forward pa rin si Kiel na maka-duet niya ito sa hinaharap.
Heto sa darating na araw ng mga puso ay bida si Kiel sa isang Valentine’s presentation na may pamagat na Music and Faces of 2020. Bida rin sina Pilita Corales, Eva Eugenio at Jun Polistico. Hosted nina Alice Dixson at Xian Lim ang presentation. Mapapnood sa Manila Hotel sa February 14, 2020 mismo als siyete y media ng gabi.
Isang gabi ng kaseksihan mula sa performance at boses ni Kiel at mga reliable entertainment mula sa mga subok na mga idols naming mang-aliw na Jun, Tapilits at Eva.
Kaya suki na ng show producer Daisy Romualdez si Kiel dahil lumi-level up na sa performance ng mga beteranong total performers.
