VERY CLASSY KATHRYN

lolitAlam mo kung minsan  maawa ka sa mga artista natin. Hindi na nila alam ang gagawin dahil sa sobrang komento ng mga tao na hindi mo alam kung ano ba napapala sa mga negatibo nilang sinasabi. Gaya ng kay Kathryn Bernardo na kumalat daw ang video na may nasabi salita dahil nabigla. Hindi ba natural naman kung minsan sa atin na dahil nabigla ka kung minsan accidentally medyo mura na ang lalabas sa bibig mo? Saka sa ganuon sitwasyon, automatic reaction lang, hindi ibig sabihin normal ng lumalabas sa bibig mo iyon mga salitang iyon. Buti na lang at si Kathryn Bernardo meron matibay na family support kaya matibay siya sa mga ganitong sitwasyon. Saka pag on top of the world ka, usually, hindi ka patola sa mga ganitong negatibong bagay. Kaya hayun, cool lang si Kathryn, keber lang. Go girl, right attitude and very classy.

GOWNS AT HIGH HEEL SHOES AS RELIEF GOODS

Kalokah talaga tayo. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis pero iyon mga donations na damit at sapatos sa mga Taal victims na mismo pang mga nakatanggap ang nag post sa social media para naman isang bad joke. Iyong iba nagbigay ng mga gown, high heels, formal wear, para bang ipinadala iyon mga hindi nila magamit at ibinigay para mawala lang mga basura nila sa bahay. Mga nakatira sa evacuation centers pasuotin mo ng formal wear at high heels? Bakit hindi na lang tsinelas o t-shirts ang ibinigay? Padala ka pagkain na dapat pang lutuin, saan sila magluluto? Better siguro sa ganitong pagkakataon ibigay lahat donations sa Red Cross at sila mamahala dahil mas alam nila ang gagawin at kailangan ng mga biktima. At saka konting practicality lang naman ang kailangan, siguro naman alam natin iyon, kaya huwag na tayo mang-inis pa, grabe, gown at high heels sa evacuation center, di ba kagagahang malaki? (Ang kulit ni lolit)

207

Related posts

Leave a Comment