Hindi pala kataka-taka na pag may nangyayari sa paligid natin kahit pa nga hindi tayo involved ay affected tayo. Iyon human nature natin na pag meron nasaktan sa sakuna o kalamidad, pag meron tayong narinig na nangyari hindi puwede na hindi tayo apektado. Iyon heart tugging na mga pangyayari will always bring tears sa mga mata natin. You wonder sometimes why, pag meron balita ng sakuna o kalamidad, you cry with the victims. Siguro nga, wala naman tao na bato ang puso, siguro nga all of us are brothers, we feel the same pain. Tignan mo na lang mga volunteers ng Taal victims, 24 hours sila na tumutulong, hindi mo sasabihin na lahat sila kasali sa apektado dahil iyon ibang volunteers galing pa sa malalayong probinsiya o city na hindi naman inabot ng ashfall. Basta nandun sila para tumulong, iyon dami ng mga relief items at pagkain na dumating, hindi lang dito kundi galing pa sa ibang bansa, united as one ang feeling ng lahat. Isang pamilya ang turing ng bawat isa kahit hindi magkakilala. Tutoo nga, God is good, all the time. Amen.
BARBIE AT KATE SWAK ANG BONDING NG CHARACTER
Maganda iyon pagsasama nila Barbie Forteza at Kate Valdez sa Anak ni Biday at Anak ni Waray, ha. Maganda iyon kumbinasyon ng personalidad nila at swak iyon bonding ng mga character nila. Ang lakas ng suporta, imagine mo Snooky Serna at Dina Bonnevie. At si Barbie, rater lagi ang mga project at gustong-gusto nila iyon acting nito at pagiging level headed. Sure ako marami ang interesado na mapanood na ang serye na sa teaser pa lang nakatatawa na at riot agad. Watch natin, Anak ni Waray at Biday, bongga ito.
SOBRA ANG PAGIGING YOUNG LOOKING NI DRA. VICKI
Alam n’yo ba na lately sobra iyon pagiging young looking ni Dra. Vicki Belo? Birthday niya this January at talagang sinabi ko sa kanya na siguro nga iyon happiness niya talagang nagpabata sa kanya, plus iyon presence ni Scarlet Snow. Iyon inner happiness ng isang tao siguro gives you the glow and added charm. Dra. Vicki Belo-Kho is at her most beautiful now. I love her because she is a loyal friend, aside from being over generous, sweet and sincere. And now that she is at her most stable state emotionally and physically, and a brand in herself dahil you say Beauty, for sure it is Belo. Happy birthday Dra Vicki Belo, stay as sweet and kind, and always be sincere. Love you. (ANG KULIT NI LOLIT)
